Chapter 52

60 2 4
                                    

CHAPTER 52 💕

"E-E-Ex girlfriend?",ulit ko.

Napangiwi si Harper tapos tumango.

May ex-girlfriend si Bryle?! Akala ko hindi pa sya nainlove?! Akala ko ba una ako?!

"Not fling?",tanong ko.

Gusto ko lang kumpirmahin. Anak ng tokwa maraming girlfriend si Bryle noon noh!

"Guess not.",sagot ni Harper.

What?

Aba syempre maniniwala ako kay Harper. Matagal na nyang kaibigan si Yulene. Ayon sa kwento nila, si Harper at Yulene, galing sa New York. Ngayong taon na 'to lang sila bumalik. Leche may ex pala si Hubby?!

"Kwento ka pa.",sabi ko.

"Hindi mo alam ang tungkol dito?",taka nyang tanong.

Umiling lang ako.

"Well... Yulene and I studied in Patterson University from our first year to third. Girlfriend sya ni Bryle noong third year. Uhm... Well they were...yeah. Happy." Bumuntong-hininga sya. "Selena I really think I shouldn't---"

"Just continue.",sabi ko.

Napabuntong-hinga na naman sya. I just want to know more.

"Okay... So, they were happy back then. But Yulene's family migrated in New York, so naiwan si Bryle dito sa Pilipinas. Yulene promised to come back for Bryle, but I guess, wala na syang babalikan.",sabi ni Harper.

"I-Ibig sabihin hindi talaga sila nagbreak?",tanong ko.

"Well no. Pero understood naman na, dahil may girlfriend na si Bryle.",sabi nya.

Kaya naman pala mainit ang dugo sa akin ni Yulene. Ngayon talaga gets ko na sya.

Itatanong ko pa sana kung nagkacommunicate pa ba sila pagkatapos kaso...

"Heto na!",sigaw ni Red dala yung tray ng pagkain. Kasama na nya sina Tristan at Yulene.

Yeah si Yulene. Yung ex-girlfriend ni Bryle na hindi fling.

Kumain na kami. Nanahimik nalang ako. Nawalan na ako ng gana.

Hubby may ex ka pala di mo manlang sinabi sakin?

~*~

Pagkatapos ng lunch, balik na ulit kami sa practice. Two hours straight yun.

"Isa nalag Lena!",sabi nung choreographer. "Nakakalimutan mo palagi yung turn dear."

Hindi ako makafocus. Paulit-ulit na kami. Simula kasi kanina nang malaman ko na may ex-girlfriend pala si Hubby, hindi ko alam. Wala na sa ayos ang utak ko. Hindi sya fling. Ibig sabihin, nainlove sa kanya si Bry. Kung ganun, yung mga ginagawa sakin ni Bry, nagawa na din nito sa kanya. Argh! Nakaka upset. Nakakaselos!

"Lena!"

"Po?!"

"Kanina pa kitang tinatawag. Ang sabi ko proceed!",pawang nagpipigil galit na sabi nung choreographer.

"She needs a break. Tara Selena.",sabi ni Harper, tapos hinawakan nya ako sa kamay at hinila na muna papunta sa isang tabi. "You okay?"

Tinignan ko sya.

"I am not.",matapat kong sagot.

"Is this about Yulene?",tanong nya.

Nag-iwas ako ng tingin.

"Selena past is past. Bryle is with you now. And everyone sees na mahal na maha ka nya. There is no hope for them. It's just you and him.",sabi nya.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon