Chapter 77

86 2 0
                                    

CHAPTER 77 ❤

"January five po?",tanong ko ulit kay Lolo kahit narinig ko naman na.

"To January seven apo.",sabi ni Lolo.

Magkakaroon daw kasi ako ng tour sa United States form January five to seven. Lilibot daw kami sa New York hanggang sa Georgia para bisitahin yung iba ko pang mga Lolo at pinsan. Kaya pala di ko sila mga kilala nasa U.S.

"Sino pong kasama natin?",tanong ko.

"Just you and me Lena.",sabi ni Lolo.

Wow! Bonding with my Lolos? Ayos yun!

"Ikaw na ang bahalang magsabi kay Bryle, okay?",sabi ni Lolo.

"Okay po.",sabi ko.

Hindi kasama si Hubby! Ako nga lang at si Lolo, diba?

"I have to go apo. I have a business meeting with Mike today. I'll see you later at  dinner.",sabi ni Lolo at kiniss ako sa noo bago tumayo.

"Bye po Lolo. Ingat po.",sabi ko habang kumakaway sa kanya.

"Sige Lena. Ingat ka rin papunta kayna Bry. Tell him, my get well soon,okay?"

"Okay po Lolo.",sabi ko.

Tumango si Lolo at sumakay na ng sasakyan. Ako naman, sumakay na rin sa sasakyan na dadalhin ko papunta kayna Hubby. Kawawa naman ang baby boy ko. Anniversary namin bukas tapos may sakit.

Kakanta-kanta pa ako sa loob ng sasakyan habang papunta sa bahay nina Hubby. May dala akong sinigang para sa kanya.

Kainis ang lakas ng ulan ah. Medyo baha pa sa daanan.

Pagdating ko sa bahay nila, naabutan ko sina mommy Dessa at Brylen sa sala.

"Ate Lena!",sigaw ni Brylen at agad na tumayo doon sa sofa at sumalubong sakin. "I've been waiting you. What took you so long?"

"Baha kasi sa daan, Brylen eh.",sabi ko.

"Naku Lena! Dry yourself. Baka sipunin ka nyan.",sabi ni mommy Dessa at agad akong binalutan ng towel.

Medyo nabasa kasi ako kanina paglabas ko ng sasakyan.

"Mommy kumain na po ba si Bry?",tanong ko.

"No. Not yet. Ano ba yan? Akin na't ihahanda natin.",sabi ni mommy Dessa at kinuha sakin yung tupperware ng sinigang.

Pinainitan sya ulit ni mommy Dessa, tapos inihanda na nya sa mangkok. Tapos may kanin.

"Sige na Lena. Pakainin mo na yung baby damulag na yun.",sabi ni mommy Dessa matapos na maihanda yung mga pagkain ni Hubby sa tray.

"Thanks mommy Dessa.",sabi ko at binuhat na yun.

"Sama ako ate!",sabi ni Brylen at sumama nga sa akin pag-akyat sa hagdan.

"Ikaw ba Brylen, kumain na?",tanong ko.

"Later nalang ate Lena. Kase di pa naman ako gutom eh.",sabi ni Brylen.

Medyo maaga pa naman kasi. Hapunan na pati itong ipapakain ko kay Hubby.

"Sabay tayo ah.",sabi ko.

"Okay!",sabi nya.

Pagdating namin sa may pinto ng kotse ni Hubby, pinagbukas agad ako ng pinto ni Brylen dahil nga may hawak akong tray.

"Thank you Brylen.",sabi ko at pumasok na.

"You're welcome ate.",sabi nya.

Pagpasok namin sa kwarto ni Hubby, lamp lang yung bukas. Tsaka, tulog pa pala sya. Ibinaba ko na muna sa bedside table yung tray at naupo sa kama nya. Marahan kong hinaplos yung leeg nya at noo. Mainit pa rin sya. Kawawa naman.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon