Chapter 23

100 1 2
                                        

CHAPTER 23 💞

Selena's POV

Nakaharap na ako sa salamin habang tinitignan ang outfit ko for first day of school.Well,hindi naman ako nagpakabongga ng suot.Actually,naka-plain white shirt lang ako,na may maliit na pocket sa right side ng chest.Dark blue jeans at converse rubber shoes.Nakaponytail lang ang buhok ko.Naglagay na rin ako ng light make up para naman hindi ako mukang naligaw lang doon.

Kinuha ko na yung backpack ko at bumaba na.

"I'm so,so readddyyyy!",sigaw ko habang bumaba ng hagdan.

Napatingin sa akin sina Lolo at Bry na nasa hapag.Pati na rin yung ibang household staffs.Pare-parehas silang napatawa.

"Good morning Lolo.",bati ko at kiniss sya sa pisngi.

"Good morning apo."

Ngumiti ako at naupo na.Ibinaba ko na muna yung backpack ko.

"Excited ka talaga ah.",sabi ni Lolo.

"Opo naman po!",ngiting-ngiti kong sabi.

Makakasama ko sa school na yun ang mga pinsan ko.Si C.A at Tanya na kapwa nasa 2rd year na daw katulad ni Hubby.Si Mark at Drake na 3rd year na.Si Kuya Alexis at Ate Dayne,tapos na yun.Si Kuya Xander,matagal nang nakagraduate.Businessman na sya ngayon.Soon,ako naman.Si Lee at si Pia naman 2nd year na din.Huli na talaga ako.Pero okay lang.Naiintindihan ko naman kung bakit.

Nilingon ko si Hubby.Nakatitig lang sya sa akin at nakangiti.
Tinawanan ko sya.

"In love ka na naman sakin?",natatawa kong sabi.

Natawa rin sya.

"Palagi naman.",sabi nya at nagpatuloy na sa pagkain.Si Lolo naman natatawang napailing.

"Hubby anong pangalan ng school natin?",tanong ko habang nakasakay na kami sa sasakyan.

"Our school's Creighton University.Your family owns it."

Huwhat?!Sa Creighton ako nakaenroll?Grabe dream come true.Isa na namang school para sa mga prinsipe at prinsesa.Pero tama ba yung narinig ko?Our family owns that school?

"T-Totoo?",tanong ko.

"Yeah.Pero hindi ipinapaalam sa school.It's a secret Wifey."

Tumango-tango ako.

"Mabuti nalang.",sabi ko.

"Bakit mabuti nalang?"

"I don't want any special treatment dahil lang apo ako ng may-ari ng school na yun.I want to be a normal college student.",sabi ko.

Ngumiti si Hubby at tumango.

"Nga pala.Kamusta yung blueprint?",tanong ko.

"Tapos na.Thanks to you naging madali."

"Magaling ka rin naman kasi talaga Hubby.",sabi ko.

"It's all you.",sabi nya.

"All me?",taka kong tanong.

Nilingon lang nya ako at nginitian.Pero hindi naman sya sumagot.Nagpatuloy na lang sya sa pagdadrive.

Ewan.Ano na namang trip ni Hubby.

"Wooow..",manghang-mangha kong sabi habang nakatingala sa matataas na building ng Creighton University.

"Let's go?",sabi ni Hubby at hinawakan na ako sa kamay.

Tumango ako at naglakad na rin.Ilang saglit lang,nagulat ako nag may grupo ng mga babaeng kumuyog samin.Or right thing to say,kay Hubby.Nadamay lang ako.Hanggang ngayon pa rin pala matinik pa rin sya sa campus chicks.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon