Chapter 84

88 5 0
                                    

CHAPTER 84 💕

Hindi na kami nag-almusal ni Hubby. Nagpaalam na kaagad kami sa kanilang lahat at umalis na. Para maaga kaming makauwi sa Manila. Mahaba-habang byahe pa kasi.

Kaming dalawa lang ang bumyahe. Nagpaiwan kasi silang lahat. Sa jeep naman, ang saya-saya din ni Hubby. Paano ang lakas ng hangin. Nakakatuwa talaga sya.

Pagdating namin sa pier, nakahanda na kaagad doon yung yate. Umakyat na kami ni Hubby.

"Nakakagutom!",sigaw ko sabay higa sa sofa.

"Ms. Selena, breakfast is served.",sabi nung attendant habang halos patakbong lumapit sa akin habang tulak-tulak yung lagayan ng pagkain.

"It's okay Eya. Ako na.",sabi ni Hubby. Nagbow si Eya at umalis na.

"Well my princess is hungry.",sabi ni Hubby habang inilalapag yung mga pagkain sa center table.

Napahikab naman ako.

"O? Inaantok ka na? Diba kakain ka pa? Tsaka...maliligo?"

Napanguso naman ako sa pang-aasar nya. Tumawa sya at naupo doon sa sofang hinihigaan ko. Yumuko sya at idinikit yung ilong nya sa may pisngi ko.

"Hala hindi ka na amoy baby.",sabi nya.

Nanlaki naman ang mga mata ko at inamoy yung mga braso ko. He chuckled.

"Just kidding.",sabi nya sabay kiss sa pisngi ko. "Kain na. Para makaligo na."

"Bakit atat na atat ka na maligo ako? Bahong-baho ka na ba sakin?",sabi ko.

"Kikiss ba kita kung nababahuan ako sayo?",sabi nya.

"Eh bakit nga?"

"Nothing. Natutuwa lang ako na asarin ka. You look guilty.",sabi nya.

Agad na naman nanlaki ang mga mata ko.

"Oi hindi ah. Hindi naman ako mabaho.",sabi ko.

"Wala naman akong sinabi eh.",sabi nya.

"Eh basta. Hindi ako mabaho.",sabi ko.

Tumawa naman sya.

"Ow?",sabi nya.

Aba ang loko nagduda pa!

"Oo noh! O amoy!",sabi ko sabay tingala at tagilid.

Mukang nagulat pa sya kasi nanlaki yung mga mata nya.

"Wag na. Oo na nga mabango ka na.",sabi nya.

"Grabe Hubby. Ayaw mo akong amuyin? Bahong-baho talaga?",sabi ko habang umuupo.

"Kasi naman...",sabi nya sabay tingin sa ibang direksyon. "Kasi naman..." Humarap sya sakin. "Alam ko na mabango ka na."

Nagtaas ako ng kilay at nagpipigil na tumawa.

"What?",sabi nya.

"Wala! Salbahe ka. Halata namang napipilitan ka lang eh.",sabi ko sabay kain na doon sa pagkain na nasa lamesa. Hmm. Sarap.

"Hindi naman nga eh.",sabi nya.

"Oo na. Oo na.",sabi ko.

Nanliit yung mga mata nya.

"Hindi ako napipilitan.",sabi pa nya.

"Naniniwala naman na ako.",sabi ko.

"Good.",sabi nya sabay kiss pa ulit sa pisngi ko. Yumakap sya sa bewang ko at naghanday ng baba sa balikat ko.

"O di ka pa kakain?",sabi ko.

"Subuan mo 'ko.",sabi nya.

"Hala pababy.",asar ko.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon