Chapter 74

65 3 0
                                    

CHAPTER 74 ❤

"She'll be fine. We just have to monitor her body temperature. As for her trembling, we can't do anything about it but give her warmth.",narinig kong sabi nung doctor.

Humina na ang pangangatog ko. Thanks to Bry.

Dahan-dahan, nagmulat ako ng mata at natagpuan si Lolo na nakaupo sa may uluhan ng kama ko at si Hubby na nakatayo sa tabi ni Doc.

"Apo! How are you feeling?",tanong ni Lolo habang hinahaplos yung noo ko.

"Better Lo.",sagot ko.

"Thank you Doc. We'll just call you again the moment we need you here.",sabi ni Lo.

Ngumiti si Doc at tumango.

"Thank you po.",sabi ko kay Doc.

"No problem Ms. Selena. Get well soon.",sabi nito.
"Mr. Gonzales, I'll be heading home now."

Tumango si Lolo. "Hatid ko na po kayo doc.",sabi ni Hubby, matapos ay lumabas sya kasama si Doc. Dahan-dahan,naupo ako sa kama.

"You scared me apo.",sabi ni Lolo.

Hinawakan ko yung kamay ni Lolo.

"Sorry Lo.",sabi ko.

"It's okay sweetheart. Besides, there's your fiancé to lighten it up.",sabi ni Lolo.

Yep. He stayed. He really stayed.

Dumating na si Hubby sa kwarto ko at naupo din doon sa kama, sa paanan naman.

Magsasalita sana ako nang bigla naman akong mapa-hatching.

"Sor---" Hatching ulit.

Inabutan ako ni Hubby ng tissue. Tapos napahatching na naman ako.

"Oh apo. You have flu.",alalang sabi ni Lolo.

Pinunasan ko yung ilong ko nang mapahatching na naman ako. Anak ng tokwa!

"Excuse po.",sabi ko sabay singa.

Iniabot sakin ni Hubby yung trash can tapos tinapon ko dun yung tissue.

"Ang pula ng ilong mo.",sabi ni Hubby.

Bigla namang tumawa si Lolo.

"Rudolph?",natatawang sabi ni Lolo.

"Lolo!",sabi ko at hinawakan yung ilong ko. Tumawa sila ni Hubby. Natawa nalang rin ako.

Nasa kalagitnaan kami ng tawanan nang may biglang kumatok sa may pinto.

"Come in!",sigaw ni Lolo.

Bumukas yung pinto tapos dumating si Nay Ising na may dalang tray ng pagkain. Soup ata.

"Humigop ka muna ng sabaw Lena para mainitan ka.",sabi ni Nay Ising habang ibinababa yung tray.

"Salamat po Nay.",sabi ko.

"Walang anuman Lena. Sir, Bryle, labas na po ako.",sabi ni Nay Ising.

"Thank you Isilicia.",sabi ni Lolo.

Tumango si Nay Ising at lumabas na.

Kinuha ni Hubby yung tray, at ikinalong sa lap nya. Tapos nagsimula na syang subuan ako. Hinihipan pa nya bago isubo sakin.

"You remind me of my times with my wife.",nangingiting sabi ni Lolo.

Ngumiti kami ni Hubby.

"You probably are sweeter than us Lolo Anton.",sabi ni Hubby.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon