CHAPTER 48 💕
Nakahinto na si ang sasakyan ni Hubby sa tapat ng bahay namin. Lumabas na sya para pagbuksan ako ng pinto. Bumaba na rin ako kaagad.
"So, see you tomorrow prinsesa ko.",sabi nya.
"Wait lang Hubby. May... May sasabihin pa ako.",sabi ko.
Tumaas yung kilay nya.
"What is it?",tanong nya.
"Kasi... Yung sing and dance number ko sa foundation day, may... may kapartner ako doon."
Kumunot ang noo nya.
"A girl,right?",sabi nya.
"Uhm... Nooo.",sagot ko.
Hindi sya nagsalita.
"Pero mabait naman yung naipartner sa akin. I-I guess.",sabi ko.
"Name.",sabi nya.
"Harper Montecarlo.",sagot ko.
"Harper?"
"You know him?",tanong ko.
"He's my classmate on one of my subjects.",sabi nya.
"Edi mabuti. Kilala mo na pala sya eh.",sabi ko.
Bumuntong-hininga sya.
"I don't trust him.",sabi nya.
Lahat naman ata ng lalaking umaligid sakin hindi nya 'trust'.
"But I guess you have to.",sabi ko.
Bumuntong-hininga sya at marahang tumango.
"I'll try.",sabi nya.
"Thank you.",sabi ko.
"How can I ever say no to you?",sabi nya na ikinangiti ko.
"That's what made me love you more.",sabi ko.
Napangiti sya ng malaki.
"You go now. Dumidilim na.",sabi ko.
"Okay. Goodbye Wifey.",sabi nya at kiniss ako sa noo tulad nang nakasanayan nya.
"Babye.",sabi ko at naglakad na papasok sa bahay.
~*~
Mag-isa lang ako sa bahay. Wala pa rin kasi si Lolo. Baka pa sya uuwi. Miss na miss ko na nga sya eh.
Naghanda na ako para sa pagpasok ko. Nagjeans nalang ako ulit at simpleng t-shirt at sneakers. May practice nga kasi ako ngayon diba? Inipitan ko yung buhok ko. Pagkatapos kong mag-almusal, lumabas na agad ako ng bahay. At ayun na ang prince charming ko. Wala naman syang pasok kapag Saturday eh. Gumigising lang talaga sya ng maaga para ihatid ako. Bait noh?
"Good morning prince charming!",masigla kong bati.
Ngumiti sya sa akin. Aw... Ang gwapo talaga.
"Good morning prinsesa.",sabi nya at pinagbuksan na ako ng pinto. Pagkasakay ko, sumakay na rin sya at nagmaneho.
"Baby, Jason asked me to go with them to a party later.",sabi nya.
"Saan?",tanong ko.
"De Miranda District.",sagot nya.
"Bar?",tanong ko.
"Uhuh. Can I come?",tanong nya.
Bakit ba nagpapaalam pa sya sakin.
"Of course. If you promise to behave.",sabi ko.
Tumawa naman sya.
"I am always behave.",sabi nya.
BINABASA MO ANG
Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)
Teen FictionPagkatapos ng aksidenteng nangyari kay Lena, ano na kaya ang susunod na mangyayari sa kanila ni Bryle? Magiging masaya na kaya sila? O lalo lamang gugulo ang buhay na nasimulan nila?
