Chapter 26

63 1 0
                                        

CHAPTER 26 💞

Yehey!This is the day!

Pagkagising ko,nakatanggap agad ako ng message kay Hubby.

'Good morning Wifey.Happy two years and eight month.I love you :-* '

Hindi ko sya nireplayan.Kunwari nakalimutan ko eh.Wahaha..Arte ko.

Dali-dali na akong bumaba para mag-almusal.Wala akong sundo ngayon.Kasi,sinabi ko kay Hubby na kailangan kong magpalate.Maaga kasi ang pasok nya.I only have three hours to assemble everything on their home.

"Bye Lolo!",sabi ko at kumiss na sa kanya.

Kanina ko pang naihanda sa kotse ko lahat.

"Sige apo.Ingat ka.Good luck sa surprise.",sabi ni Lolo sabay kindat.

Alam ni Lolo syempre.Partner in crime ko yan eh.

Nagdrive na ako papunta sa bahay nila.Sina Tatay Juan,Nanay Celia,Chef Monchie at Aira lang ang nandoon.Tinulungan ako ni Aira magkabit nung mga sari-sari doon sa kwarto ni Hubby.

Nagdala kaya ako ng maraming-maraming floating heart shaped balloons na color red.Halos mapuno nga yung pagkalaki-laki nyang kwarto nun eh.Tapos yung pictures namin na dalawa na pinagtulong-tulungan namin nina C.A na ikabit kahapon isa-isa sa tali,isinabit ko sa paligid ng kwarto nya palibot.Ang colorful!Tapos yung kama nya,sinabugan ko ng petals ng red roses.Tapos sa isang gilid ng pader nya,ikinapit ko yung mga sticky notes na may iba't ibang kulay na may nakasulat na '101 reasons why I love you'.Nakaheart shaped pa yun.Okay na kaya 'to para sa 31 monthsarrys na hindi nya ako nakasama?

Kung ano man,basta.Ang mahalaga macelebrate ko na 'tong pang 32 kasama sya.

Pagkatapos ko nang maihanda ang lahat,bumaba na ako at nagpaalam sa kanila para umuwi na.Pag-uwi ko,nagpahatid nalang ako sa driver namin,kasi sabay kaming uuwi ni Hubby mamaya.

Pumasok na agad ako sa una kong klase.Tinext ko si Hubby kung nasaang lupalop na ako.Pagkatapos ng klase ko,naabutan ko na kaagad si Hubby sa labas ng classroom.Sabay kaming naglunch.Sina C.A.,hindi ko na nakita.Ewan ko ba kung nasaan na sila.Sa lawak ba naman nitong Creighton University.

~*~

"Let's go.",sabi nya habang kinukuha na yung mga libro ko.

Hindi ko pa sya nababati ngayon.Mamaya pa kasi.Yaha!

"Hubby ano ngang date ngayon?",tanong ko.

Kumunot ang noo nya.

"It's September 26 Wifey.",sagot nya.

Tumango naman ako.

"Bukas na pala exam namin sa Physics.",sabi ko.

Lalong kumunot ang noo nya.Maybe he's waiting for my 'Happy Monthsarry Hubby!'

"Aren't you forgetting something Wifey?",tanong nya.

Kinunot ko ang noo ko at wari'y nag-iisip.Best actress.

"Ah!Meron pa!",sabi ko.

Nawala yung kunot ng noo nya.

"May recitation bukas sa Spanish class namin.",sabi ko.

Bumalik na naman yung kunot ng noo nya.

"Tara na!Para makapagreview na ako.",sabi ko at nauna nang naglakad papunta sa kotse nya.

Pinagbukas nya ako ng pinto nang hindi nagsasalita.Tapos pumasok na rin sya at nagdrive na agad.

"Hubby sama ko sa inyo.",sabi ko.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon