Chapter 58

82 1 1
                                        

CHAPTER 58 💕

"Bye Hubby.",sabi ko at maglalakad na sana papasok ng gate pero hinawakan ako ni Hubby sa pulsuhan. Nilingon ko sya.

"Baby are you really serious with that...ah...punishment?",halos pabulong na nyang tanong.

The one week no kiss policy? Oo naman! Kailangan ipakita ko sa kanya na 'tough' ako. I have made my decision. Sorry Hubby.

"Yes Hubby. Good night.",sabi ko lang at binawi na yung pulso ko.

Maglalakad na sana ako nang pigilan na naman nya ako.

"Wifey... I'm sorry, okay? Nakisakay lang naman ako eh. Kahit anong parusa, wag lang yun. Please?",sabi nya.

"Nasabi ko na Hubby eh. Sorry din. Pilyo ka kasi eh.",sabi ko.

"Magpapakabait na talaga ako. Pangako. Wag lang ganito.",sabi nya.

Nakakaawa naman 'to si Hubby. Pero dapat matibay ako. Go Lena.

"After my punishment. Good night again Hubby. See you tomorrow.",sabi ko at hinila na ulit yung braso ko at pasok na sa loob ng gate bago pa nya ako mapigilan pa ulit.

Hai Hubby. Ang pilyo-pilyo mo.

Pumasok na ako sa bahay at umakyat sa kwarto. Hinanda ko na rin yung mga isusuot ko bukas. Bukas na ang foundation day. Bukas na ang presentation! Sa school ako magpapalit at aayusan. Ang suot ko papunta ay yung this year's foundation shirt ng Creighton. Color red sya na t-shirt kung saan nakasulat yung pangalan ng school. Tapos may makulay na design. Sa likod ay yung pangalan. Ang nakalagay sakin ay SELENA.

Pahiga na sana ako sa kama nang maalala ko na maaga pala dapat ako bukas dahil maypractice pa kami sa umaga bago ang mismong event. Kaya tinext ko na muna si Hubby para sabihing mauuna na ako sa school bukas.

Ako:

Hubby nakalimutan kong sabihin. Bukas pala mauna na ako sa school. Maaga daw kasi kami dapat para sa last practice. Papahatid nalang ako kay kuya Stephen. Good night. I love you.

Ibababa ko na sana yung phone ko nang bigla naman iyong tumunog.

Hubby Calling...

Ai ganun? Tinatamad magtype?

"Hello?"

["Hello baby. Are you sure sa driver nalang? I can fetch you early if you want."]

"Hala Hubby hindi na. Itulog mo nalang yung mga natitira mong oras."

["Wifey sorry na kasi. Wag mo na akong parusahan..."]

Di makaget-over.

"Pilyo po kasi ikaw sir. Kaya kailangan mong maturuan ng leksyon. Eto yung paraan ko. Kada may gawin kang hindi maganda sa babae, ganito ang magiging parusa mo. Understood?"

["Yes,pero bakit naman kasama pa sa ibang babae?"]

"Para matutunan mo na ang lahat ng babae sa paligid mo, dapat mong iginagalang. Hindi lang ako o sina mommy Dessa o sina tita. Dapat lahat.",sabi ko.

["Kahit sina Cheska, Chanel, Faith, Kristie, Georgina, Becca, Margaret, Emily, Riha---"]

"All of them."

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon