Chapter 60

103 1 2
                                    

CHAPTER 60 💕

Maghapon kami sa school. Libot dito, libot doon. Kain nito, kain noon. Hindi nakakaboring kasi kasama ko si Hubby tsaka yung mga pinsan ko at kabarkada nya. Andito naman kami ngayon sa marriage booth. Nagpapakasal sina Mark at Lee!

"Do you Aleeyah Denise Henderson, take Carl Markus Montemayor as your unlawfully wedded husband?"

"I do.",sagot ni Lee.

Naghiyawan at nagpakapakan naman kami. Feeling namin totoo.

"Do you Carl Markus Montemayor take Aleeyah De---"

"I do!",sagot ni Mark.

"With that, I pronounce you man and wife. You may kiss the bride."

Ngumisi si Mark at kikiss na sana kay Lee pero tinakpan naman ni Lee nang palad yung nguso ni Mark.

"Sorry father but this guy here is punished. Bawal nya akong ikiss.",sabi ni Lee kay kunwari father.

"Oh. Okay.",sabi ni father tapos lumingon sya kay Mark. "You may now hug the bride."

Natawa kami. Tinaggal ni Lee yung palad nya sa nguso ni Mark pagkatapos ay niyakap ito. Walang nagawa si Mark kundi gumanti nalang rin ng yakap.

Bumaba na sina Lee doon sa platform. Pagkatapos ay inihagis yung boquet. Si Tanya ang nakasalo kaya sila naman ni Allen ang sunod na ipapakasal kunwari. Bumili pa sila kada-isa ng plastic na singsing. Nakakatawa talaga.

"Kasali ba kami?",tanong ni Hubby.

"No! Samin lang 'to. Kasi may totoong kasal na magaganap sa inyong dalawa. Yun nalang intayin natin.",sabi ni Tanya.

Ngumisi naman sakin si Hubby. Yeah. I'm gonna be marrying Bryle Eaguerra. For real!

Nagpatuloy ang pagpapasa-pasa nila nung boquet. Kayna Lance at Andrea yun natapos. Sunod naman kaming nagpunta sa ferris wheel. Ang ganda at ang taas. Parang may peryahan dito sa loob ng campus. Sumakay kami doon. Apat kada cart. Sina C.A. at Calvin na magkayakap sa loob ang kasama namin. Grabe ang sweet nila. Imaginine nyo si Bella Swan at si Edward Cullen. Yun yung itsura nila. Oo hawig kaya ni Calvin si Edward Cullen. Pero hindi naman ganun kaputla si Calvin. Tama lang. Tapos si C.A na pinsan ko, hindi naman sya kamuka ni Bella Swan. Ang mas kamuka nya ay si Yoon Eun Hye. Nakakamuka na nya yung mga iniidolo nya sa Kpop.

Kami ni Hubby, nakaupo lang. Nakasandal kami doon sa may upuan habang magkahawak ang kamay. Nakastretch yung isang braso ni Hubby. Doon ako nakasandal.

Pagkatapos nung ferris wheel ride namin, nagpunta kami sa isang resto sa labas para kumain. Classic Savory. Yeah.

Umorder sila. Yung madamihang combo. Si Hubby diring-diri doon sa Spinach soup. Ang arte eh ang sarap naman. Roasted chicken ang kinain nya. Ayaw nya nung gulay. What's new? Kamusta naman ang vitamins ng katawan nya?

Pagkatapos namin kumain, bumalik na kami ng campus. Ten minutes nalang simula na ng fireworks display. Nakahiga kami sa bermuda ng open field habang naghihintay. Syempre ang katabi ko si Hubby. Nakaunan ako ngayon sa braso nya habang ang unan nya ay ang kabila nyang palad.

"Ayan na! 7:30 na!",excited na sigaw ni C.A.

American time kasi ang Creighton katulad sa Patterson. Kaya palagi silang eksakto.

Nagcount down pa yung iba pang mga estudyante. Nakisabay ako syempre.

"2...1!"

"Wow.",mangha kong sabi habang nakatingin sa kalangitan. Ang dami. Iba't iba ang kulay nila. Ang gaganda. Naramdamn ko yung ilong ni Hubby sa may uluhan ko. Ewan ko kung kinikiss na nya ako doon. Doon lang naman. Sige okay lang.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon