Chapter 20

96 3 0
                                    

CHAPTER 20 💕

"Yehey!",sigaw ni Brylen sabay takbo na papasok ng mall.

Kahit nakaheels,dali-dali naman akong tumakbo para habulin sya.

"Baby wag tatakbo.",sabi ko nang mahuli na sya sa kamay.

"May marathon ba?Bakit kayo bigla-biglang tumatakbo?",sabi ni Hubby sa likod na medyo hinihingal pa.

"Naku Bry!Hawakan mo 'tong anak mo,kapag yan nawala ewan ko nalang kung mapatawad pa kita.",sabi ko sabay abot sa kanya noong kamay ni Brylen.

Tumawa sya.

"Para namang iwawala ko 'to.Love na love ko kaya 'tong baby boy na 'to.",sabi nya sabay buhat kay Brylen.

"Daddy naman..baby mo din ako?Binata na ko.",sabi ni Brylen.

"Anong binata Brylen?Hindi ka pa binata.Tsaka wag kang magmadali baby.Mas masarap maging bata.",sabi ko.

"Why Mommy?I think I like being binata more.I can do whatever I want.Like Daddy.",sabi nya.

"Brylen hindi naman ganun ang binata eh.Tsaka mahirap maging malaki na,kasi,mas maraming responsibilities. Pero kapag bata ka pa,enjoy life muna.Maglaro ka,magsaya ka.And being binata does not mean that you could do everything na.Si Daddy Bry,sumusunod pa rin yan sa Mommy at Daddy nya.Tsaka sa mga taong nakakatanda sa kanya.Kaya dapat ikaw din.",paliwanag ko.

"Oh..",sabi nya habang tumatango."Okay Mom.I will.",nakangiti nyang sabi.

"Very good!",sabi ko naman sabay high five sa kanya.

"Remember what your Mom said Brylen,okay?",sabi ni Hubby.

Ngumiti si Brylen at tumango-tango habang nakathumbs up ang parehong kamay.

"Oh saan na tayo?",tanong ko habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.

"Eat!",sigaw ni Brylen.

"Eat again?Kakaeat lang natin ah.",sabi ni Hubby.

"Daddy,fries.",sabi ni Brylen.

"Okay.",sagot kaagad ni Hubby.

"Spoiler.",bulong ko.

Bahagya syang tumawa at hinawakan ako sa kamay.

"Hayaan mo na.",sabi nya.

Ngumiwi lang ako.

Tumigil kami sa booth na bilihan ng fries.Yung malaking box ng fries na maraming cheese ang binili ni Hubby para kay Brylen.
Naupo muna kami sa isang gilid para kumain.

"Powder Hubby.",sabi ko kay Bry habang pinupunasan yung likod ni Brylen.

Binuksan nya yung sling bag ko at kinuha yun doon.Nilagyan ko si Brylen sa likod.

"Thanks.",sabi ko naman sabay kuha nung cologne na inaabot nya.Ibinalik ko na ang mga iyon sa kanya,na agad naman nyang itinago sa sling bag ko.
"Ayan baby.Tuyo ka na.Wag masyadong magpawis,wala tayong dalang extra shirt mo."

"Okay Mommy.",sabi nya sabay subo ulit doon sa fries.

"Baby'ing baby.",sabi ni Hubby sabay pisil sa ilong ni Brylen.
"Rome around tayo.",sabi ni Hubby sabay akay na kay Brylen tumayo.

"Tara.",sabi ko naman at tumayo na rin at humawak sa kamay ni Brylen.

Naglibot-libot lang kami.Pumunta kami sa play zone kung saan naglaro ng shooting sina Hubby at Brylen.Nakaakyat pa si Brylen doon sa platform ng shooting game.Pinagtitinginan sila.Kilala nga kasi si Hubby.Sya na ang sikat.Iniisip siguro nila na may anak na sya.Paano sigaw nang sigaw si Brylen ng 'go Daddy!','ako naman Daddy!','Yrhey Daddy!',O diba?

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon