Chapter 68

61 1 0
                                    

CHAPTER 68 💕

Pagkatapos magmovie marathon, bumalik na kami sa kwarto ni ate Dayne at sabay na nagtoothbrush at naghilamos. Pagkatapos ay tabing natulog sa kama.

"Lena...",mahinang tawag ni ate Dayne.

"Hmm?"

"Nakakainggit kayo ni Bry alam mo ba yun?",sabi nya. "Kasi sobrang mahal nyo talaga ang isa't isa. Forever na nga ata kayo eh. Si Bry alam mo, noong isugod ka noon sa ospital nung nacoma ka, nasaksihan namin lahat kung paano sya nun humagulgol. Sinisisi nya yung sarili nya noon. Noong nabunggo yung sasakyan mo noon nung ikaw pa si wild, umiyak din sya noon. Everytime na nawawala ka, palagi syang natataranta. He is the kind of man na parang hindi kakayanin na mawala yung mahal nya sa kanya. He loves you so much. Hindi ka nya kayang bitawan." Napabuntong hininga sya. "Sana...sana ganun rin sakin si Jason. Sana hindi nya rin ako bitawan. Kasi ako, hindi ko yun kayang gawin sa kanya eh. Para kasi sakin, sya na yung prince charming na matagal kong hinintay. Parang hindi ko na kakayanin na mawala pa sya." Narinig ko yung mahinang singhot ni ate Dayne. Madilim kaya medyo hindi ko na sya makita. Pero alam ko na umiiyak sya.

Kinapa ko yung kamay nya.

"Ate Dayne wag kang malungkot. Sabi ko sayo, everything will be fine. Trust Jason, trust your love for each other. Wala kang ibang magagawa sa ngayon kundi iyon. Hold on ate Dayne. Maayos 'to.",sabi ko.

"Sana nga Lena.",sabi nya.

Maayos 'to.

Binatawan ko yung kamay nya at ipinatong yung braso ko sa tyan nya.

"Tulog na ate. Bukas may tournament pa sila diba? Dapat present ka dun. Magchecheer tayo!",sabi ko.

"Kailangan pa ba ako do---"

"Of course ate! Sabi nila inspirasyon daw ng mga nagmamahal yung mga taong mahal nila. Kaya para manalo ang Creighton, dapat icheer mo ang captain!",sabi ko.

Bahagya syang natawa.

"Kapag nawalan ng gana sa laro ang captain, ikaw ang sisihin namin sa hindi mo pagpunta, sige ka!"

"Sige na. Sige na. Pupunta na ako.",medyo natatawa nyang sabi.

Tumagilid sya at yumakap din sakin.

"Thanks talaga Lena ah.",sabi nya.

Napangiti nalang ako at kiniss sya sa pisngi.

"Anything for my kamuka.",sabi ko.

Tumawa sya at kiniss din ako sa pisngi.

"I love you bunso.",sabi nya.

"I love you too ate.",sagot ko.

"Tulog ka na.",sabi nya at inadjust yung yakap sakin.

"Okay. Good night.",sabi ko.

"Good night."

Pagkatapos ay ipinikit ko na yung mga mata ko at hinintay nalang na dalawin ako ng antok habang masa mga bisig ni ate Dayne.

~*~

Sabay kami na nagising ni ate sa maingay kong alarm clock. Agad kaming bumangon at naligo. Pagkatapos ay bumaba na para mag-almusal. Nakared kami ni ate parehas. Syempre susupport kami sa Creighton Eagles eh. Nakadress sya na sleeveless na color red. Ang sexy talaga ni ate Dayne. Grabe. Ako naman nakatight pants at sleeveless hoddie na red din. Tapos converse shoes.

Tinext ko si Hubby na si ate Dayne na ang kasabay ko pagpunta. Pumayag naman sya.

Pagkatapos namin kumain kasabay si Lolo, hindi na muna kami umalis dahil gumawa pa kami ng banner.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon