Chapter 64

88 2 0
                                        

CHAPTER 64 ❤

Pagkatapos kong magdrama, umakyat kami ni Bryle sa itaas, sa kwarto ni Brylen. Maganda yung kwarto ni Brylen. Malaki, tapos ang tema pa, CARS. Yung palabas. Yung ang bida ay si Lightning McQueen. Manang-mana sa Dad at sa kuya nya.

Pagpasok namin doon, andoon lang si Brylen sa kama nya, naglalaro ng tablet. Naupo kami ni Bry sa tabi nya.

"Oh hey kuya and ate. Wanna play plants vs. zombies?",tanong nya. Tapos tumunghay sya at tinignan ako. Bigla nalang kumunot ang noo nya. "Ate why are your eyes swollen?"

"Ha?",naireact ko nalang at agad na nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Your eyes were swollen.",sabi nya.

"Hindi Brylen. Wala 'to.",sabi ko.

Kumunot ang noo nya tapos tumingin sya kay Bry.

"You made ate Lena cry, kuya?",kunot noong tanong ni Brylen.

"What?",nanlalaki ang matang tanong ni Bry.

"Brylen no! Hindi si kuya mo. Kasi may napanood lang ako kanina na nakakaiyak. Kaya ganito.",paliwanag ko. Napakagat nalang ako sa labi. Please believe.

"Okaaay. Hai ate you are such a drama queen.",sabi ni Brylen at ibinalik na ang atensyon nya sa paglalaro.

Bahagya nalang akong natawa. Tumingin ako kay Bry. Ngumiti lang naman sya.

"Can I try that one?",sabi ko nalang at tinutukoy yung laro sa tablet nya.

"Sure ate. Here.",sabi nya at ipinatong sa lap ko yung tablet.

"How will I play this?",tanong ko.

"Just plant your defenses ate. Like..."Tapos ginalaw nya yung isang plant at itinanim."...this."

"Okay. Let's see.",sabi ko at ginawa yung ginawa nya.

"Yehey! More ate!",sigaw ni Brylen.

"Oh goodness. What am I here? A decoration?",ungot ni Bry sa gilid ni Brylen.

Tinignan naming dalawa sya ni Brylen. Tae Bry tampo mode?

"Someone is having tampo...",sabi ni Brylen.

"Yeah. The big boy is having tampo.",gatong ko naman.

Napasimangot si Hubby.

Nagkatinginan kami ni Brylen. Tapos sabay kaming lumapit kay Bry. Sumakay sya sa lap ni Bry, tapos tumabi naman ako. Iniabot ko kay Brylen yung tablet at hinayaan syang magpipindot. Inihanday ko naman yung baba ko sa balikat ng kuya nya.

"Now you are not a decoration anymore.",sabi ko.

Ramdam ko ang pagngiti nya. Tapos inilagay nya yung braso nya sa may likod ko tapos sabay naming pinanood ang masayang paglalaro ni Brylen.

~*~

Okay. Matapos ang Foundation day ng Creighton, naghahanda naman na ang lahat para sa All University Athletic Tournament na gaganapin next week. At heto kaming mga members ng cheering squad, nagpapractice para sa cheering competition na gaganapin sa araw ding yun.

"Okay thank you cheerers! You may go.",sabi ng choreographer.

"Taralets Lena.",yaya ni Emilia.

"Tara.",sabi ko at sumabay na ng paglalakad sa kanya.

Tinignan ko ang phone ko dahil sa biglaang pagtunog nito.

Hubby:

You done now baby?

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon