CHAPTER 54 💞
Pumasok na kami sa school ni Hubby. Mas maayos na kami ngayon. Sabay kami. Malapit na malapit na yung foundation day. Dalawang araw nalang ang practice namin. Hindi pa ako umattend kahapon. Nakakahiya kay Mrs. Garcia tsaka doon sa mga kasamahan ko.
"Lena!" Hayun ang grupo nina Harper palapit sakin. Nagtama ang tingin namin ni Harper. Tumingin sya sakin tapos kay Hubby, tapos sakin ulit. Nginitian nya ako. Ngumiti din ako sa kanya.
"Wifey I'm jealous.",bulong ni Hubby sa puno ng tengga ko.
Anak ng tokwa. Para yun lang. Hindi ko nalang sya pinansin at ibinalik ko ang atensyon ko kayna Red.
"Hello Red!",bati ko pabalik habang kuamakaway.
"Okay ka na ba Lena? Sabi ni Bryle kaya ka di nakapasok kahapon, may sakit ka daw?",sabi ni Red.
Napatingin ako kay Hubby. Ngumiwi lang sya. Oo nga nagkasakit ako kahapon.
"Sakit sa puso Red.",sabi ko.
Lumaki ang mga mata nila.
"May sakit ka sa puso?!",gulat na gulat at sabay-sabay pa nilang sabi. Narinig kong tumawa si Harper.
"Kahapon lang. Don't worry magaling na yun.",natatawa kong sabi. Tapos tumingin ako kay Hubby. "Diba Bryle Esguerra?"
Sinimangutan nya ako tapos sinubsob nya yung muka nya sa likod ng ulo ko. Hahahaha!
Napangiti yung mga kasamahan kong babae at panay ang 'ang cute ni Bryle'. Psh. Magkakaroon na naman ako ng sakit sa puso nyan eh.
Pero natigil ang tawanan namin sa pagdating ni...
Ni Yulene.
"Oh hey there!",sabi nya.
Oh ang bitch nya magsalita.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang panlilisik ng mga mata ni Hubby.
"Yulene, let's go.",narinig kong sabi ni Harper.
"Wait a sec Harps.",sabi nya sabay lapit sa direksyon namin ni Hubby. Nagulat ako nang hawakan ni Hubby yung kamay ko at pagsalikupin yun.
"Damn.",bulong nya.
"Yulene."mariing sabi ni Harper.
Pero hindi nya pinansin si Harper at nagpatuloy lang sa paglapit samin. Hihilahin na sana ako ni Hubby pero mas lalo kong diniinan yung hawak sa kamay nya.
"Wifey...",halos pabulong na nyang tawag.
"Hello there.",sabi ni Yulene nang makalapit na samin.
"Hello.",bati ko pabalik.
I am bitcher to the bitches.
Umismid sya.
"So you were the present.",sabi nya.
"And definitely the future. Fuck off Yulene, were done.",mariing sabi ni Hubby.
Lumaki yung nga mata ni Yulene. Tapos nagfake laugh sya.
"I know. But I can still get you back Bryle. Tandaan mo yan.",sabi nya.
"I. Don't. Want. To.",sabi ni Hubby.
"Babalik ka rin.",sabi ni Yulene.
"Dream on.",sabi ni Hubby.
"Oh really? Cause I can see na in love ka pa sakin.",sabi ni Yulene.
"You can, but I don't. Alam mo kung sino nalang yung nakikita ko ngayon? No one else but my Selena. Now I'll repeat. Fuck. Off."
BINABASA MO ANG
Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)
Teen FictionPagkatapos ng aksidenteng nangyari kay Lena, ano na kaya ang susunod na mangyayari sa kanila ni Bryle? Magiging masaya na kaya sila? O lalo lamang gugulo ang buhay na nasimulan nila?
