Chapter 70

87 3 1
                                        

CHAPTER 60 ❤

"2,304..."

Ang dami na naming steps! Maghawak kamay kami ni Hubby habang sabay na nagjojog. Ako naman, binibilang ko yung steps namin. Wala lang. Trip ko lang.

"2,305...2,306...2,307! Andito na tayo!"

Hai salamat! Nakauwi din kami.

"Wifey bakit kailangan mong bilangin yung steps natin?",tanong ni Hubby.

Ngumiti ako at inilabas yung phone ko.

"Smile!",masaya kong sabi.

Bahagya syang natawa, tapos umakbay sakin at ngumiti. Selfie with him and Rafraf.

"Memories.",sabay naming sabi.

"Tara na sa loob.",sabi ko.

Pumasok na kami. Ibinalik muna nya si Rafraf sa kulungan nito. Napag-isipan ko namang inatayin na muna sya. Nang matapos na sya, humarap na sya ulit sakin.

"Palit ka na Wifey.",sabi nya tapos kunwari inamoy ako. "You smell like sinagang."

Nanlaki ang mga mata ko,tapos inamoy ko yung sarili ko.

"Hindi naman ah!",tanggi ko. Nagdeodorant kaya ako.

Tumawa naman sya. Ah ganun!

Lumapit ako sa kanya at inamoy din sya. Ang bango. Tagaktak na ng pawis ang bango pa rin? Unfair!

"Ikaw din eh!",asar ko.

"Oh really? Amuyin mo nga ulit.",sabi nya sabay taas pa nung kili-kili nya.

Parang bata.

Natawa ako pero lumapit ako at kunwari nga yung inamoy.

"Mabaho talaga.",sabi ko. Napakunot ang noo nya tapos inamoy nya yun. Hahaha... Ang cute ni Hubby.

"Mabango naman eh. I used deo.",sabi nya.

Ako naman ang natawa.

"Joke lang!",sabi ko sabay pisil nung ilong nya. "Magpapalit na nga ako. Nakakahiya sayo eh.",sabi ko tapos nauna nang naglakad papasok sa loob.

"Baby joke lang din. You honestly smell like baby.",sabi nya sa likod ko.

Napangiti naman ako.

"You too.",sabi ko.

"I know.",sabi nya. "Kaya nga patay na patay ka sakin diba?"

Natawa ako at humarap sa kanya.

"Ako talaga?",sabi ko. "Baka ikaw, sakin?"

"Yeah, I admit. Ganun ako sayo. Pero mas ka sakin.",sabi nya.

Hala. Pero parang totoo din yun.

"Psh. Let's see." Tapos ipinagpatuloy ko na ang paglalakad. Umaakyat na ako sa hagdan. "No kiss for one hour challenge?",sabi ko.

Naramdaman ko yung paghinto nya sa paglalakad.

"I knew it.",natatawa kong sabi.

"I can! Okay. Challenge accepted.",sabi nya.

"Matalo may kapalit na parusa.",sabi ko.

"What?",sabi nya tapos nagpatuloy na ulit sa paglalakad.

"Command.",sabi ko.

"Call.",sabi nya.

Nasa tapat na ako ng pinto. Gayundin sya.

"Good luck baby boy.",sabi ko sabay kindat pa bago pumasok sa kwarto ko.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon