CHAPTER 82 ❤
Nakatulog pala ako. At nagising ako sa tabi ni Hubby. Mukang napagod na din ang isang 'to. Hinaplos ko yung pisngi nya at hinalikan sya sa noo bago ako tumayo mula sa kama at maglakad palabas ng kwarto. Ang haba pala ng byahe.
Paglabas ko, naabutan ko sina Maimai at Andeng at Rhea pati na rin yung iba pa doon sa may bungad ng yate sa may mga sofa. Nag-uusap-usap yata sila.
Naglakad ako palapit sa kanila.
"Lena.",bati nila. Mahina akong ngumiti at naupo din.
"Tumawag po kanina yung private investigator na kinuha nina Lolo Anton. Nahuli na po yung mga pumatay kay Nanay Ising.",sabi ko.
Ngumiti silang lahat at pawang nagdiwang ang mga kalooban.
"Mabuti kung ganun. Mabibigyan na ng hustisya ang nangyari kay Aling Ising.",sabi ni ate Imelda.
Ngumiti lang ako.
"Ms. Selena, lunch is prepared. Shall we serve it now?",sabi nung isang attendant.
Tanghalian na pala.
"Sure.",sagot ko lang sabay bahagyang tango.
Tumango yung babae at umalis na.
"Gisingin ko lang po si Bry.",sabi ko at tumayo na. Tumango lang sila.
Bumalik ako doon sa kwarto at naupo sa kama. Tulog pa rin si Hubby. Nagulat naman ako nang biglang tumunog yung phone nya na nakapatong sa may bedside table. Kinuha ko yun.
+639********* Calling...
Sino kaya 'to.
"Hubby...",tawag ko habang marahan syang tinatapik sa pisngi. Kaso hindi naman sya nagmulat.
"Hubby...",tawag ko ulit. Pero wala pa rin. Baka mahalagang tawag 'to. Sagutin ko nalang.
Tumayo ako at nagpunta doon sa may balcony ng kwarto. Ang ganda naman dito. Kita ko yung dagat na dinadaanan namin.
Sinagot ko yung tawag.
"Hello?"
Katahimikan.
"Hello?"
["Well, well, Linda.]
The bitch.
"Yulene? Bakit ka tumawag? W-Wait. No. Bakit mo tinatawagan si Bry? Why do you have his number?"
Narinig ko yung tawa nya sa kabilang linya.
["Masyado kang maraming tanong. Where is he?"]
"How dare you? Wala na akong pakelaman sa dahilan ng pagtawag mo pero sinasabi ko sayo. Wag na wag ka na ulit tatawag. I know what you want Yulene. But sorry lady, you will never have it. Ever."
Hindi ko hinintay yung sasabihin nya dahil ibinaba ko na yung tawag. Inoff ko pa yung phone.
Naglakad ako pabalik sa kama. Dahan-dahan namang nagmulat ng mata si Hubby.
Bakit sya tinawagan ng babae na 'to? Wait! Unang beses lang ba 'to o palagi na talaga syang tumatawag?
Ibinaba ko yung phone nya sa bedside table. Ewan pero halos ibagsak ko na ata. Nakatingin lang sya sakin.
"Baby what's wrong?",tanong ni Bryle.
"Yulena called. That's what's wrong.",sabi ko. "Bumangon ka na dyan. Nakahanda na ang panghalian." Matapos ay lumabas na ako ng kwarto.
Nakakabwisit!
Huminga ako ng malalim at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Ms. Selena, lunch is served.",sabi nung attendant.
BINABASA MO ANG
Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)
Teen FictionPagkatapos ng aksidenteng nangyari kay Lena, ano na kaya ang susunod na mangyayari sa kanila ni Bryle? Magiging masaya na kaya sila? O lalo lamang gugulo ang buhay na nasimulan nila?