Chapter 47

71 1 1
                                    

CHAPTER 47 💕

Pagdating namin sa school, ayun as usual parang tourist attraction na naman si Hubby. Ang lakas talaga.

"Wifey I want to talk to your prof. Mr. Magsaysay."

Napatigil ako sa paglalakad. Dahil hawak nya yung kamay ko, napatigil din sya. Si Mr. Magsaysay, sya kasi yung ptof na nag zero sakin sa major exam. Baka kung ano pang sabihin ni Hubby doon.

"Wag na Hubby. May rules sya. Dapat sumunod ako doon. I don't want any special treatments okay?",sabi ko.

Tinitigan nya muna ako bago sya bumuntong hininga at sumagot.

"Okay. If that's what you want.",sabi nya.

Ngumiti ako at tumango. Pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa paglalakad. Napadaan kami doon sa tatlong babaeng nagchikahan noon sa harap ko noong umiiyak ako. Ayun titingin-tingin na naman sila.

"Hala girl hindi pa pala si---"

Nagpantig ang tenga ko sa gagawin na naman sana nilang chikahan kaya humarap ako kanila.

"Tama! Hindi pa kami BREAK. At sinisiguro ko sa inyo na hinding-hindi yun mangyayari.",sabi ko.

Pakakasalan ko ata 'tong nilalang na 'to.

"Anong ginawa nila sayo Wifey?",tanong ni Hubby habang titig na titig doon sa tatlo.

Bigla namang namutla yung tatlong babae. Well wala naman akong balak na gumanti. Chika lang naman yung ginawa nila. At andito ako para linawin lang sa kanila yung totoo.

"Hindi Hubby. Okay na.",sabi ko tapos humarap ako ulit doon sa tatlo. "Sa susunod mga ate kapag magchichikahan tayo, doon naman sana sa malayo sa topic noh? Pero kung wala rin naman kayong basehan sa nakita nyo, better shut your mouth."

"S-Sorry.",sabi nung isa. Tapos sabay-sabay na silang nag-alisan.

"Mas mapapanatag ako kung ganyan ka Wifey.",sabi bigla ni Bry na nakatayo sa tabi ko.

Ngumiti lang ako sa kanya. Pagkatapos ay naglakad na ulit kami. Inihatid na nya ako sa classroom ko.

Andito na naman ako sa de-aircon na classroom. Doon ako sa pangalawang level naupo. Yung mga classroom kasi dito, hindi sya desk na solo katulad nung high school kami, isa syang mahaba na pataas nang pataas. Dalawang row pati kami. Ilang saglit lang, dumating na rin yung European Language Professor namin. Kasama 'to sa special subjects na kinuha ko. Syempre business ad., Sabi ni Lolo kailangan ko daw 'to. Kailangang-kailangan. Meron pa nga ako sa Asian eh. Sakit nga sa ulo eh. Pero keri naman. French kami this week. Ayos mapapalaban ako kay ate Dayne nito.

"Ms. Selena!"

"Wah! Ho?"

Nakakagulat si Sir. Pinagtawanan pa tuloy ako dahil sa naging reaksyon ko. Paano nagja jot down pa ako bigla nalang akong tinawag.

"How do you say I love you to Bryle Esguerra?"

O___O

At bakit napasali si Bryle Esguerra dito?

"Aeeee....!",yan ang bumalot sa classroom. May ilan pa akong kaklaseng babaeng iirap-irap. Pasimple lang naman. Ewan ko. Nadala ata sila sa ginawa ni Hubby sa grupo nina Cheska kaya natatakot na silang pagtripan ako. Tsaka di rin ako papayag noh!

"Uhm... Je' t'aime sir.",sagot ko.

"Very good Ms. Bartolome.",sabi nya tapos lumipat naman sya sa ibang table.

Kahit mga teacher pala dito alam na si Hubby ang boyfriend ko. Pero ano pa nga bang aasahan ko? Notorious eh.

Pagkatapos ng dalawang oras kong klase, sa wakas ay nakalabas na rin ako. Huli akong nakalabas dahil inayos ko pa yung mga dala kong libro. Paglabas ko ng classroom, natanaw ko sa di kalayuan si Hubby. Hindi naman ako nagulat doon. Pero ang ikinagulat ko ay noong may isang sexy na babae na nakasuot ng color yellow na hapit na spaghetti strap na dress ang lumapit sa kanya at dinikitan sya ng sticky note sa dibdib. Kiniss pa nung babae yung dalawa nyang daliri bago idikit sa labi ni Hubby. Wahhh!!! Mabuti nalang at umalis na rin kaagad yung babae kundi baka naflying soser ko sa kanya 'tong mga dala kong libro.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon