Chasing 2

4.2K 102 13
                                        




A/N:



Salamat sa inyong support! Vote & Comment lang para tuloy-tuloy ang mabilis na upload. 15 VOTES & 10 COMMENTS = UPDATE.



________________________________




Chasing 2








"Lizzie, handa na ba ang report mo bukas?" Tanong ng kanyang bagong laging kasama dito sa Star Section na si Tristan. Ito ang tumutulong sa kanya para makahabol sa mga matatalinong estudyante dito dahil nga sa biglaang paglipat niya ng section kahit halos ika-2 buwan pa lang ng pasukan.






"Oo, Tristan! Heisst! Kulit mo ha?!" Naiinis na sagot niya. Paulit-ulit na kasi ang tanong nito sa kanya. Halos dalawang buwan na itong nagtatyaga na ihabol siya sa mga kaklase nila academically. Ito ang bago niyang ka-buddy dito sa school. Palibhasa ay nagka-phobia na siyang makipaglapit sa mga kaklaseng babae. Para sa kanya, mas ok maging kaibigan ang boys kesa sa mga girls.






"Sus! Sungit nito! Ako na nga concern, galit pa." Naiinis na sabi nito. Kasi nga naman, sinusungitan pa siya ni Lizzie gayong para naman sa kanya ang sinasabi nito.





"Putak kasi ng putak eh..." Naiinis na sabi rin niya. At para palamigin ang ulo, isinuot niya sa tenga ang headset ng kanyang iPhone. Wala daw kasi ang third subject teacher nila kaya free sila. Nanganak na daw kasi si Miss Tessa. (A/N: Miss Tessa is from the story I Love You, Justine Choi! na nasa external link --->>)







"Hay naku, Zacarias!" At tinalikuran na siya ni Tristan. Napangiti naman si Lizzie ng makitang namumula na si Tristan sa inis sa kanya. Gustong-gusto niyang naiinis ito. Pero ang inis naman nila sa isa't-isa ay hindi naman nagtatagal. Kasi nga medyo close na sila.






Nakikinig si Lizzie ng musika habang nakapikit ang mata. Pero napamulat siya ng may kumalapit sa kanya. Si Cheenie na isa sa mga bagong kaklase niyang babae na gustong maging malapit sa kanya, pero hindi nagtagumpay. Kasi nga, ayaw niya ng kaibigang babae dahil nadala na siya sa naging ending ng friendship nila ni Sam.






"Lizzie, pinabibigay ni Whimper." Sabi ni Cheenie. Siguro kung papipiliin din ang mga bago niyang kaklase sa kanya at kay Whimper, maliban kay Tristan, mas kakampihan nila ang dati nilang dalawang taong kaklase na si Whimper.






"Ano yun?" Expressionless na tanong niya. Simula ng ma-heartbroken siya ay bihira na siyang kakikitaan ng pagngiti at pagtawa. Nangiti at natawa lang siya kapag sina Rave at Dave ang kasama niya.






Naka-pout na tinanggal ni Cheenie ang isang headset sa tenga niya para marinig niya ang sinasabi nito. "Ang sabi ko, pinabibigay ni Whimper ito." At inabot sa kanya ang isang bar ng kitkat chocolate. Cheap na kung cheap, pero alam niyang malaking kabawasan sa baon ni Whimper ang pagbili nito.






Tumaas ang isang kilay ni Lizzie at sinabing, "bakit mo tinanggap? Ibalik mo nga iyang cheap na chocolate na iyan."






Napakunot ang noo nito sa kanya. "Ang bad mo! Pinag-ipunan pa ito ng tao eh."







"Ah... Mas mabuti niyan, sa iyo na lang!" At isinuot niya na muli ang headset sa tenga niya.







"Sungit!" At padabog itong iniwan siya at lumabas papuntang katabing classroom.






'Tsss... Kala naman niya, makukuha ako sa chocolates niya!' Naiinis na naisip niya at ipinikit na muli ang mata.







**





"Whimper..." Halos pabulong na tawag niya kay Whimper kasi may klase ang mga ito. Nasa tabing bintana kasi si Whimper para tanaw niya kapag nadaan si Lizzie.






Nag-excuse si Whimper sa teacher nila. Tutal nauna siyang matapos na sagutan ang long quiz na bigay sa kanila. Hinila niya sa tapat ng kabilang pinto ang dating kaklaseng si Cheenie. "Bakit?" Kinakabahang tanong niya. Parang may idea na siya kung bakit siya tinawag nito.







"Pinababalik ni Lizzie. Ibalik ko daw sa iyo iyang cheap na chocolate." Sincere na sabi nito.






"Ganoon ba? Sige, salamat." At inilagay niya sa bulsa ng polo sa may dibdib niya ang chocolate.







"Mukhang wala ng pag-asang magkaayos kayo, Whimper." Nakikisimpatyang sabi nito.







"Hayaan mo lang. Dati nga nakuha ko ang loob niya sa pangungulit ko, I'm sure, I can do it again." At mapait na ngumiti si Whimper.






"Pasok na ako sa room." Paalam ni Cheenie.






"Sige. Thank you ulit. Pasensiya ka na sa abala." At iniwan na siya nito. Lumakad siya ng konti para tanawin si Lizzie sa kabilang room. Nakita niya naman itong nakapikit na may nakalagay sa tenga.






Hindi siya nawawalan ng pag-asa na magkaka-ayos din sila. Buo din ang loob niya na kaya niya muling gumapang papunta sa puso ni Lizzie.






Miss na miss na niya ang dalaga. Kahit nagsimula silang sinusungitan siya nito, ay nagawa niya namang ukopahin ang puso nito. Nakakalungkot lang na nawala ang tiwala nito sa nagawa niya.





Nakapamulsang nakasandal siya sa dingding sa labas ng room nila,  nang maglabasan na din ang mga kaklase niya. Iiwas na dapat siya ng mahawakan siya ni Sam na mabilis na nakalapit na pala sa kanya.






"Whimper, pwede ba tayong mag-usap?" Seryosong sabi ni Sam. Simula kasi nang magkahiwalay sila ni Lizzie ay umiwas na rin siya kay Sam.






"Huwag na muna ngayon, Sam." Seryosong sagot din niya. Medyo umatras siya para mabitawan siya ni Sam.







"Ano ba iyan? Kaya ba sila naghiwalay ni Zacarias?"








"Oo nga eh. Nasa kama na, lumipat pa sa banig."






"Matalino lang naman. Nagmalaki pang ipagpalit si Lizzie."






Napatingin sila ni Sam sa mga kaklase nilang dumadaan na nakatingin pala sa kanila. Recess na kasi nila. Napatungo na lang si Sam, habang si Whimper naman ay napasandal na lang at muling naka-pamulsa.






"I'm sorry. Dahil sa akin, nangyari ang lahat ng ito." Nakatungong sabi ni Sam.






"Huwag mong sisihin ang sarili mo. May kasalanan din ako. Hindi ako dapat pumayag sa pustahan natin. At hindi ako dapat nakipagrelasyon sa iyo." Nakatitig na sabi niya.





Napalingon siya sa mga naglabasang estudyante ng Star Section. Nakita niya ang solong naglalakad na si Lizzie.





Napatingin ito sa kanya at tumingin kay Sam. Tumaas ang kilay nito at naglakad na papuntang canteen. Hindi man lamang nito binati kahit sino sa kanila ni Sam.








"LIZZIE!" Malakas na tawag niya at sinundan ito. Iniwan si Sam sa kinatatayuan nito. Sa lakas ng tawag niya ay napalingon ang ibang mga studyante.






___________________________________________



A/N:



VOTE & COMMENT please? 15 votes & 10 comments = update!

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon