Chasing 5

3.3K 97 10
                                    

A/N:




Maraming salamat po sa mga bago kong readers na masisipag magvote at magcomment. Salamat po sa comments nina: @jecdungan, @erika_02, @mingming07yahoocom, @my_mich05, @AngelAndreaReyes at @JuanNe15.






Iyong iba po na nagvovote lang, kahit magcomment lang po kayo ng one word, like update, go, yes, atbp. Para lang po mabasa ko at mapasalamatan kayo.





_______________________________________




CHASING 5

PLEASE GET OFF MY MIND!


Pinauna na silang dalawa ni Rave, ni Dave sa Jollibee. Susunod na lang daw ito. May meeting pa daw with their coach.






Nasa jollibee na sila ni Rave. Iniwan siya sandali at nagpakuha na ng food nila si Rave. Isa kasi ito sa franchise ng pamilya Villaflor.





Inis si Lizzie sa naging palitan nila ng salitaan ni Whimper. Pakiramdam niya mas napipikon siya dito. Kanina ay nakita na naman niya si Whimper at Sam. Parang gusto nang maghumerentado ng puso niya kanina!







"Iiwasan daw? Tsss! Halatang may LQ naman!" Sabi niya sa sarili pero walang kausap. Nasa may kusina kasi si Rave at pinaprepare ang food nila.








"Palagi pa rin silang magkasama. Bad trip na Nerdie!" Ang diin tuloy ng pindot niya sa candy crush na nilalaro niya.






Bago niya mapindot ang next round ay naalala niya si Dave. Napatingin siya sa salamin para tingnan kung padating na ito. Nagulat siya sa nakita...



Dug..



Dug..

Nakatayo sa kabilang kalsada si Whimper!







Nakatitig sa kanya!







Napaawang ang lips niya. 'Hala! Bakit siya naandyan?' Bulong ng utak niya na nabigla. Ang akala niya, uuwi na ito? Bakit nasa tapat?






Nagulat siya ng tumunog ang iPhone niya. Out na pala siya sa nilalaro dahil sa katitig kay Whimper. Marahil ay hindi niya namalayang napindot niya ang start. Pinatay niya na ang application. At pagtingin niya sa pwesto ni Whimper kanina, wala na ito!






Nagpalinga-linga siya at hinahanap ito, pero wala na talaga! Hindi siya makapaniwalang ganoon ito kabilis mawawala.






"Nasaan na iyon?" Tanong niya sa hangin.






The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon