Chasing 12

2.7K 76 3
                                    

A/N:

Salamat po sa lahat ng mga nagVOTE at nagCOMMENT. Tulungan po ninyo akong mag-plug ng story ko para dumami ang readers ko. Please po?

______________________________________

CHASING 12



NAG-AALALA



Nilagyan agad ng swero si Lizzie nang makarating sila sa hospital. Alalang-alala si Dave dahil patuloy ang pagchi-chill ni Lizzie sa taas nang lagnat nito. Mabuti na lamang at dumating na din si Menchie. Ang hindi lang niya nagustuhan ay kasama nito si Rave.




"Kumusta ang kapatid ko?" Tanong ni Menchie habang nakatingin silang tatlo sa payapang natutulog na si Lizzie.




"Oobserbahan daw eh. Pero posibleng nilagnat dahil nababad sa ulan." Sagot niya na ang mga mata ay hindi inihihiwalay kay Lizzie.





"Ano nga ba kasing nangyari at nababad siya sa ulan?" Mahinang tanong ni Menchie para hindi maabala sa pagtulog ang kapatid.



Nag-isip si Dave kung sasabihin ba niya kay Menchie ang dahilan ng pagkabasa ng dalaga. Pero sa huli ay naisip na rin niyang pagtakpan. "Sumimba kami. At kumain sa Halo-Halo house. Noong pauwi na kami ay bigla ngang umulan kaya nabasa kami." Pagtatakip niya sa buong nangyari. Ayaw niyang makialam lalo na't involve ang kapatid niya.



"Bakit? Naglakad ba kayo at nababad siya sa ulan?" Pang-uusisa pa ni Menchie. Si Rave naman ay abala na sa pagtingin sa mga gamot na nasa side table ng hospital bed ni Lizzie.


"Ah.. eh.. oo. Kasi wala kaming masakyan." Palusot niya.



"Ganoon ba? Dapat nagpasundo kayo sa driver." Dagdag pa ni Menchie. "Anyway, salamat sa iyo Dave. Salamat sa concern mo sa kapatid ko." At tinapik pa ni Menchie ang balikat ni Dave.



"Walang anuman. Ginawa ko lang ang tama." Sagot naman niya. Syempre bukod sa importante sa kanya si Lizzie ay alam niyang may kinalalaman ang kapatid niya sa nangyari.



"Dave, nagmerienda ka na ba? Kumain muna kayo ni Menchie dahil hindi siya masyadong nakapag-lunch." Sa wakas ay sumali din sa usapan si Rave.



Tatanggi sana si Dave dahil hindi naman siya gutom, ata? Ang gusto niya lang ay bantayan si Lizzie. Baka may kailangan ito kapag nagising. Ang kaso ay sumingit si Menchie.


"Oo nga. Let's go, Dave." Yaya nito sa kanya. "Ikaw muna ang bahala dito, Rave. Pinauwi ko muna kasi si Yaya at walang tao sa bahay." Baling naman nito kay Rave.


"Oo, don't worry." At kumindat pa ito kay Menchie.



"Diyan ka muna." At lumabas muna sila ni Menchie para magsnack sa hospital canteen. Noon lang niya naalala na hindi pa nga pala siya naglulunch.


Naiwan naman si Rave sa kwarto ni Lizzie. Umupo siya sa bangko at umupo sa bedside ng dalaga. "Lizzie, pagaling ka." Mahinang sabi niya kay Lizzie habang hinahaplos ang braso nito. Naaawa siya sa itsura nitong napakaputla at may swerong nakakabit sa kamay.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon