Chasing 59

2.9K 75 5
                                    

A/N:

Merry Christmas everyone. Itodo napo ang VOTES at COMMENTS kasi ending na po ang next dito. At ang ending ay mababasa ang teaser bukas ng gabi sa FACEBOOK PAGE na ANGELMELAY WATTPAD. Paki like na lang po iyong mismong page para ang lahat ng mga updates sa page ay mabasa ninyo.

Saka paki support po iyong new story ko na THE STAR http://www.wattpad.com/story/10828030-the-star. Nasa external link din po iyan sa right side ---->>>. Iyong mga mobile ang gamit, paki click na lang po ang profile ko. Andun po iyon.

____________________________________

CHASING 59 

THE WEDDING - MARCH 1

(A/N: Play youtube video sa right para mas feel. ---->>>)

Naglalakad na ang bride papasok ng garden. Hindi maiwasan ng mga bisita na hindi humanga sa kanya. Dahil makalipas ang ilang taon, hindi pa rin matutumbasan ang ganda ni Ria Choi. Ikakasal na siya sa kanyang asawang si Christopher "Tope" Zacarias after 16 years of being together. Noon kasi ay hindi agad sila nagpakasal. Kasi naman, parang nadala ang Mama nina Lizzie at Menchie. Wala pa kasing isang taon ay namatay agad ang Ama ni Menchie noon. 

Halos maiyak ang lahat ng bisita ng nasa harap na ng altar ang mag-asawa at nanunumpa na sa Pari. Pati si Lizzie at Menchie ay naiiyak na din. Kasi naman, natutuwa sila para sa kanilang Mama dahil at last makakasal na rin ito sa Pari. Dati kasi ay sa huwes lang sila ikinasal.

"Hey, tahan na kayo." Saway sa kanila ni Whimper at inabutan pa siya ng panyo nito. Nasa likod lang nila kasi nakaupo ang mga lalaking abay.

Lumingon din si Menchie at medyo nagulat nang ang kapartner naman nitong si Dave ang nag-abot ng panyo. "S-salamat." Nasabi nito sa gitna ng paghikbi.

Umayos na sila ng upo at nakinig na sa panunumpa ng kanilang Mama sa kanilang Papa. 

"Ria, I love you and I know that this love is from God. Because of this, I want to be your husband so that we might serve Christ together. Through all of the uncertainties and trials of the present and future, I promise to be faithful to you and love you. I promise to guide and protect you as Christ does his church, as long as we both shall live. God's Word gives us the perfect example of this love in Christ's death for the Church. I shall try always, with God's help, to show you this same kind of love, for I know that in His sight we will both be one." Madamdaming sabi ng kanilang ama kaya ang mga tao sa paligid ay naghikbian na.

Lumunok naman muna ang kanilang ina bago nagsalita. "Tope, I love you. I prayed that God would lead me to his choice. I praise Him that tonight His will is being fulfilled. Through the pressures of the present and uncertainties of the future I promise my faithfulness, to follow you through all of life's experiences as you follow God, that together we may grow in the likeness of Christ and our home be a praise to Him." At kitang-kita nila ng pinunasan ng kanilang Mama ang luha nito. 

Nagtuluan na ang luha nilang magkapatid. Dahil sa sobrang happy para sa parents nila kaya sila naiiyak. Hindi nila parehas ineexpect na ganito pala kasaya ang makitang ikinakasal ang magulang mo. Mas maganda palang makita silang ikinakasal na malaki na kayo, kesa iyong sa litrato o video mo na lang mapapanood.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon