Chasing 49

2.3K 64 4
                                    

A/N:

SALAMAT sa mga nagVOTE at nagCOMMENT. Lalo sa comments nina : @jecdungan, @my_mich05, at @BheybichingCanales.

Please continue VOTING & GIVING YOUR INSIGHTS!

____________________________________

CHASING 49

KAMBAL'S BIRTHDAY

Ang daming regalong natanggap ni Lizzie from admirers niya sa school kaninang Christmas Party. Sa sobrang dami ay tinulungan siya ng kanyang Ate Menchie na may equally dami ng gift din. Isinakay nila iyon sa kotse with the help of their driver.

Pero meroong isang regalo doon na kumuha ng attention niya. Isa iyong malaking box na ng buksan niya at puro diyaryo ang lamat sa loob at isa pang maliit na box na kulay red ang ribbon. Nang buksan niya iyon ay halos malaglag ang kanyang panga sa nakitang kwintas ang laman na may pendat na kotse? 

'Anong ibig sabihin ng kotse?' Tanong niya sa sarili ngayong nasa loob na siya ng kanyang room.

Nawiwirduhan siya sa pendant nito. Nag-isip siya, pero hindi niya matandaan kung sino ang nagbigay sa kanya ng regalong ito. Hindi talaga niya marecall. 

Ipinasok na lang muna niya sa drawer ang kwintas at binuksan pa ang ibang gifts. May mga mamahaling bags, damit, sapatos, bag ng chocolates, at kung anu-ano pa. Tumayo siya para itapon ang mga gift wrappers ng biglang kumatok at pumasok ang kanyang Ate Menchie.

"Lizzie, naandyan si Dave. Iniimbita ka daw sa birthday ng kambal?" Tanong nito at tinungo ang kama niya at umupo doon.

Bumalik siya sa kama at nag-isip sandali. Matagal-tagal na rin ng huli silang magkita ng mga kambal na kapatid nito. Saka lang niya naalala ang usapan nila ni Dave ng magkita sila sa canteen noong isang araw.

FLASHBACK:

"Mukhang malalim ang iniisip mo?" Bulong sa kanya ni Dave. Hindi niya namalayan na pumasok na pala ito sa aircon part ng canteen.



"Dave, kumusta?" Bati niya rito. Nagulat man ay nakuha pa rin niyang ngumiti kay Dave.



"Eto hindi na busy. Malapit na kasing magChristmas Break." Sabi nito habang itinuturo lang sa waitress na lumapit ang gusto nitong pagkain para ngayong lunch.



"Ah.. Mabuti kung ganoon." Sagot niya bago sumubo ng pagkain.



"Lizzie, pagkatapos nga pala ng Christmas Party sama ka naman sa amin." Yaya nito sa kanya.



Para namang may light bulb na umilaw sa ulo niya. Nagyayaya si Dave sa bahay nila, ibig sabihin, makikita niya si Whimper doon.



"Bakit anong meroon?" Kunyaring usisa pa niya. Pero ang totoo, kahit na ano pa ang dahilan ay papayag naman siya talaga. 'Do I really want to see Whimper or I just want to be with Dave?' Tanong niya sa utak niya. Saan naman niya nakuha ang idea na gusto niyang makasama si Dave?



"Birthday ng kambal. Pinapaimbita ka nila." Sagot nito habang kumakain. Sa panahon kasi ngayon, hindi na totoo ang don't talk when your mouth is full. Kasi uso ngayon ang multi-tasking. Talking while eating. Kasi naman 45 minutes na lang ang lunch break nila ngayon.



"Pupunta ka ba?" Parang balewalang tanong nito na sa pagkain pa rin nakatingin.



"Sige." Mabilis na sagot niya na kumuha ng attention ni Dave. Nagulat ito na napapayag din siya agad.



"Talaga?" Namimilog ang matang tanong nito.



Napalunok si Lizzie. Ang gwapo talaga ni Dave. Imagine, kahit anong expression nito, pogi pa rin ito? Kaya sikat na sikat din ito sa College Department eh.



"Ui!" Untag nito sa kanya. Hindi kasi niya namalayan na matagal na pala siyang nakatitig kay Dave.



"Oo nga pupunta ako!" Assurance niya dito.



"Promise ah?" Kulit pa nito. Ngayon niya lang napansin na patapos na agad itong kumain.



Sinunod-sunod niya tuloy ang subo para makahabol kay Dave. "Oo nga!" Sagot pa niya habang ngumunguya.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon