Chasing 9

3K 75 16
                                        

A/N:

Thank you po sa comments nina: @ukissmeful, @cocobash, @my_mich, @BheybichingCanales, @AngelAndreaReyes, @JuanNe15, @GeLaiiYuu, and @jecdungan.

Salamat sa votes nina: @oishiangela, @iamjunaquel, @misvayiyi, @IReadOnlyNotMake, @JuanNe15, @chuckgeron, @  . Sana next time, magCOMMENT din sila :).

________________________________

CHASING 9

Mabuti na lamang at nakita ni Lizzie si Dave dito sa simbahan. May usapan kasi sila ni Whimper na sisimba. Inabot na siya ng second mass, pero walang Whimper na dumating. Hanggang sa nilumot na siya kakaantay. 

Tapos na ang mass na nakumpleto nila ni Dave, pero wala pa rin si Whimper. Hindi niya naman ito maitext kasi naiwan niya ang cellphone niya. Ito pa naman ang nagyaya para sila ay sabay na sumimba. Kahapon lang sila nagkaayos, pero disappointment agad ang inabot niya.

Nang matapos ang misa ay pinaunlakan niya si Dave na dumiretso sila sa isang halo-halo house. Ang pinili pa niyang positon ay iyong nasa tabing bintana. Gusto niya iyong kita ang harap ng simbahan. Para nga naman kung sakaling dumating pa din si Whimper ay tanaw pa rin niya.

"Dave, nasa inyo ba si Whimper?" Hindi nakatiis na tanong niya sa kuya ni Whimper na si Dave. Magkaharap sila at kumakain ng halo-halo, pero ang paningin niya ay nakatanaw pa rin sa labas.

"Wala eh. Nauna na siya sa akin ang sabi ay sisimba? Ang akala ko nga, nang makita kita kanina ay magkasama kayo." Sagot ni Dave habang patuloy ang subo ng halo-halo.

Para naman hindi mapahiya ay pinagtakpan na lang niya ang tunay na sitwasyon. "Ah hindi kami magkasama. Ang sabi nga niya ay mauuna daw siyang sumimba. Tinatanong ko lang sa iyo para masiguro kung natuloy siya." Mas gusto na niyang pagtakpan ang nangyari. Ayaw naman niyang malaman pa ni Dave na inindiyan siya ni Whimper. Medyo naging malapit din sa kanya si Dave. At kilala na niya ito na sa tama ito nakampi. Hindi porke't kapatid niya ay automatic na kakampihan nito.

"Eh teka, sino bang tinatanaw mo?" Nakakunot ang noong tanong nito. Nahalata din pala nito ang kanina pa niya pagtanaw sa labas.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon