Chasing 57

2.3K 73 5
                                    

A/N:

Salamat po sa lahat. Malapit napo itong matapos. Paki like po iyong fb page ko na ANGELMELAY WATTPAD.

_____________________________________________

CHASING 57

ALL IS WELL

Maaga pa ng makarating si Lizzie sa school. Dumiretso siya sa classroom at isinulat sa board na absent ang homeroom teacher nila tulad ng utos ng kanyang Mama Ria. Tatlo pa lang sila sa loob kaya naisipan niya munang maglaklad-lakad sa labas.

Kalalakad ni Lizzie ay nakarating siya sa basketball court. Umupo siya sa mga bleachers doon para magpatay ng oras. Wala pa rin kasi si Whimper kaya naisipan niyang dito muna siya. Iniligid niya ang paningin sa buong court. Parang nakikita niya pa si Rave na naglalaro dito noon. Iyon ay noong mga panahong crush na crush niya ito.

Hindi maiwasan ni Lizzie na malungkot ng maalala si Rave. Masama pa nga rin pala ang loob nito sa kanya. At hindi pa nito alam na nagkabalikan na sila ni Whimper. Matagal-tagal na rin kasi ng huli silang magkausap. Simula kasi ng nag-walkout ito sa kanya ay hindi pa nagsalubong ang landas nila muli.

Minsan tuloy namimiss niya si Rave. Naging malapit din niya kasi itong kaibigan. Isang kaibigang masasandalan at maasahan. At naging mabuti rin itong manliligaw sa kanya. Nasa ganoong pag-iisip siya ng may marinig siyang mga yabag papasok sa court.

Ganoon na lang ang gulat nila ni Rave ng makita nila ang isa't-isa. Naka school uniform ito at sukbit sa balikat ang sports bag nito. Hindi maiiwasang humanga si Lizzie sa kagwapuhang taglay ng binata.

Saglit itong natigilan at napatitig sa kanya. Maya-maya'y bigla itong tumalikod at palabas na ng court. Agad namang tumakbo si Lizzie para hauulin si Rave. "RAVE!!" Sigaw pa niya.

Huminto sa paglalakad si Rave pero hindi naman ito lumingon sa kanya. Nilapitan niya ito at hinawakan sa siko para iharap sa kanya. "Rave, can we talk?" Kinakabahang tanong niya dito.

Kumunot ang noo nito. "About what?" Walang emosyong tanong nito.

Napakagat labi si Lizzie sa sobrang kaba. "Tungkol sa away natin noong isang araw." Sagot niya rito.

"Away? Tampuhan lang iyon." Cold na pagtatama nito sa kanya.

Tumango-tango si Lizzie. "Ay oo! Tampuhan pala. I'm sorry, Rave. Hindi naman sa tinataboy kita. Gusto ko lang..." Hindi niya natapos ang sasabihin niya.

"I'm sorry. Some other time, Lizzie. May gaagawin pa ako." At tinalikuran siya nito.

Listong napigilan niya muli ito sa paglayo. Hinawakan niya naman ngayon ang polo nito. Iyon kasi ng nahagip niya para mapigilan ito. 

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon