Chasing 23

2.6K 65 5
                                    




A/N:





Please vote & comment po. Thanks!



________________________________________




CHASING 23

MAGNET





Namamasyal ang parents ni Lizzie sa town plaza ng Marinduque. While ang dalawang magkapatid naman ay nasa seminar. Medyo naligaw-ligaw sila ni Menchie sa paghahanap ng Pavilion na pinagdadausan ngayon. Kaya ang resulta, late silang dalawa!







Samantalang ang schoolmates nila ay nasa venue na. At dahil may mga kasama sila from other schools, naubusan ng upuan ang magkapatid. Mabuti na lamang at ng makita sila ni Rave ay tumayo ito at ipinaubayan kay Menchie ang upuan nito.






Silang dalawa na lamang ni Rave ang tumayo. Pero nakita siya ng kaklaseng si Tristan at inoffer sa kanya ang upuan nito. Syempre, magiinarte pa ba siya? Nagmamadaling umupo na siya sa kinauupuan ni Tristan kanina.






Kinuha niya agad ang maliit ng tickler at ballpen para sa pag-take down ng notes kapag nagsimula na ang speaker. "Ang tagal ninyong mag-ate ha!" Napalingon siya nang makitang si Onic pala ang nagsalita. Nasa kaliwa niya ito at katabi nito sa kabilang side si Nina.






"Oo nga eh. Medyo naguluhan kami ni Ate sa directions." Pagamin niya sa nangyari. Ang dapat pa nga sana ay sila ang mauuna, ang kaso naligaw nga sila.







Tumingin na lamang siya sa unahan habang pinapanuod ang pag-seset-up ng stage para sa speaker.






"Ayoko nga!" Narinig niyang singhal ng lalaki sa kanan niya. Dahan-dahan siyang napalingon ng manlaki ang mata niya.









Si Whimper ang katabi niya! At nasa kabilang side nito si Sam. Parang may pinagtatalunan ang dalawa. Para tuloy nanigas ang kanyang leeg at tumingin na lamang muli sa unahan. Ilang na ilang siya. Hindi niya kasi tiningnan muna, kung sino ang mga katabi niya kanina, bago sumalampak sa upuan. Kasi naman, gustong-gusto na niyang makaupo kanina.







Hanggang sa magsimula na ang seminar, hanggang matapos ay hindi sila nagpansinan ni Whimper. Daig pa niya ang may neck brace na hindi lumilingon sa ibang direction, maliban sa unahan.







At nang tumunog na ang bell, dali-dali na siyang lumabas ng pavilion para maglunch. Napahawak pa siya sa dibdib niya, nang mapalingon at makitang hindi pa nakakalabas sina Sam at Whimper. She really felt relieved.







Medyo nagtago siya sa likod ng poste at inaantay ang Ate niya o si Rave para may makasama siyang maglunch. Ayaw niya muna kasing maka-harap si Whimper. Lalo na't nangako siyang mag-uusap sila next time. Gusto niya muna ng peace of mind. Ayaw niya muna ng usapang Whimper at Sam.







Napaatras siya lalo sa kinakukublian ng mapansin na naglabasan na ang mga estudyante. Medyo pasilip-silip na lang siya, para tingnan kasi baka lumabas na ang Ate niya at si Rave.






Mas lalo pa siyang umatras at pinagkasya na itago ang sarili sa poste, nang makita niya ang grupo nina Tristan na lumabas. Umatras na naman siya dahil tiyak iyang kasama ng mga ito sina Whimper.







"Hey." May kumalabit sa likod niya.








"Ay! kalabaw!" Halos napatalon siya sa gulat at pumihit kung sino ang tumapik.







"Anong ginagawa mo diyan? Nagtatago ka ba?" Nakakunot ang noong tanong sa kanya ni Whimper.






Namutla at napaawang ang kanyang bibig sa pagkagulat. Napakapit na naman ang kamay sa dibdib. Iniiwasan nga niya si Whimper, tapos makikita pa rin siya nito?






"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito ng mapansin na namumutla siya.







"A-ah o-oo." Kahit anong pilit niyang maging tunog cool, halatang stressed ang nauutal niyang sagot.






Hinawakan nito ang dalawa niyang balikat. "Parang hindi ka ok?" At tiningnan nito ang buong mukha niya. Para bang inaaninag kung talagang ok lang siya.






Medyo umatras siya para mabitawan nito ang balikat niya. "A-ayos nga lang eh." Kinakabahang sagot niya.







Dug..









Dug..







Palagi na lang, tuwing lalapitan at kakausapin siya ni Whimper, ay nagtatambol ang kanyang puso! Kakanta na naman ba ang white angel niya? Kailangan na naman ba nito ng drummer? Drummer na parang ang puso niya.








Lumapit lalo si Whimper sa kanya. At sa paglapit nito, tinitigan siya. Titig na parang it can bring you back to life. Nagiwas ng tingin si Lizzie.






"Tinataguan mo ba ako?" Titig na titig na tingin sa kanya ni Whimper. Ang tingin na gumugulo sa sistema niya.







Umalis na siya sa pagkakasandal sa poste ng marining ang tanong nito. Napatayo tuloy siya tuwid. "Bakit naman kita iiwasan?" Tanong niya dito. Pero hindi siya makatingin ng tuwid.







"Lizzie, kahit ba maging parang normal acquaintance lang hindi mo kayang i-offer sa akin?"







"Mas mabuti nang ganito tayo. Teka, nasaan si Sam? Puntahan mo na at baka wala siyang kasama." Sabi pa niya at ngumiti ng pilit para hindi mahalatang nasasaktan siya.






Nanatili itong nakatitig sa kanya. Umiwas siya muli ng tingin dahil naiilang siya sa way ng titig nito. At nahihirapan siya sa nakakabinging tambol ng dibdib niya.





"Andyan na si Sam. Mukhang hinahanap ka niya." Sabi niya at tinulak ng bahagya si Whimper, na tulala, palayo ng konti sa kanya.






Napalingon si Whimper sa gawi ng tinitingnan niya. "Ok lang ba sa iyo na kasama ko palagi si Sam? Siya lang kasi ang makulit na sunod ng sunod sa akin. Kahit anong iwas ko, hindi ko siya mapagtaguan...." Hindi natapos ni Whimper ang sasabihin niya.







"Nerdie, break na tayo di ba? That means pwede na nating gawin kahit ano. Kaya wala ka ng obligation na magpaliwanag sa akin." Putol niya na nakatingin kay Whimper. Nakita niyang mas lalong lumungkot ang expression nito.





Lumaban naman ito ng titigan. Pagkatapos ay dahan-dahang napailing. "Ang tigas ng puso mo, Lizzie." Then He left her dumbfounded.






Natulala siya. Kitang-kita niya ang kalungkutan sa mga mata nito. Halatang nasasaktan ito. Pero siya lang ba ang nasasaktan? Parehas naman sila ah? At dahil siguro sa kabataan nila, kaya hindi pa nila alam kung paano ihandle ang ganitong klaseng sakit.






**





Nasa tabing dagat ang kanilang schoolmates. May mga nagkakantahan. May nagsasayawan. May mga nagsisipagkainan.





Masayang nakatingin at nanunuod ang kanyang mga magulang. Para pa ngang nagrereminisce ang mga ito sa kanilang kabataan.





"Lizzie, bakit hindi ka sumali sa kanila?" Tanong ng kanyang Papa Tope. Nasa pinakamalapit kasi silang cottage na tanaw na tanaw ang tabing dagat.






"Oo nga, Anak. Sumali ka dun sa Ate Menchie mo." Sabi na kanyang Mama at itinuro ang kanyang Ate na kasali sa mga nagsisipagkantahan sa bonfire.





"Dito na lang po ako." Sagot niya at ibinalik na ang paningin sa paglalaro ng Plants Versus Zombies 2 sa kanyang iPhone.






"Aakyat na kami maya-maya sa taas. Matutulog na kami ni Papa mo. Kaya mas mabuti pang sumali ka na doon." Dagdag pa ng kanyang Mama.





"Tatapusin ko lang po ito." Sagot naman niya at tumayo sa kinauupuan para humalik sa pisngi ng magulang.






"Tulog na kami. Magsitulog na kayo mamaya. Andiyan naman si Kuya guard." Ginulo pa ng kanyang Papa ang kanyang buhok bago sila tuluyang umalis.






Umupo na siya muli at tinanaw ang mga schoolmates na masayang-masaya sa ginagawa ng mga ito. Nakita niya ang kanyang mga kaibigan na enjoy na enjoy. Ang kanyang kapatid ay halatang masayang masaya din.






Pero nang mapatingin siya sa gawi ni Whimper. Mag-isa itong nakaupo at nakatanaw sa kanya. May hawak na istick na isinusulat ata sa buhanginan. Napaisip tuloy siya, 'kanina pa ba siya nanunuod sa akin?'







Parang gusto niya tuloy itong lapitan. Gusto niyang linawin na hindi totoong matigas ang kanyang puso. Pero naduduwag siya. Baka hindi niya makontrol na sabihin ditong magbalikan na lang kasi sila.




Bakit ba kahit ilng beses nilang mapag-usapan na mag-iiwasan, para pa rin silang dulo ng magnets, na patuloy na nagkakadikit at nagsasama? They are like north and south poles of the magnet, which really match together.







Napatayo si Whimper nang mapansing nakatitig din siya sa hindi kalayuan. At parang sa tingin pa lang ay nagkakaunawaan na sila. Napatayo na rin siya at gusto niya nang lumapit dito. Para man lang sana kahit magkakwentuhan lang. First time nila ito out of town, at gusto niyang gawing enjoyable.






Dug...








Dug..








Tumatalon na naman ang puso niya. Nanginginig ang kanyang mga tuhod sa kaba. Hindi humihiwalay ng titig sa kanya si Whimper habang humahakbang ito. Alam niyang sa direction na tinatahak nito ay palapit sa kanya. Siya naman ay parang naeexcite na inaantay itong makalapit.








Napakagwapo nito sa suot nitong tokong at sandong puti. Hindi man kalakihan ang katawan ni Whimper, pero defined na ang ang muscles nito. Kung hindi lang dahil sa makapal nitong salamin, tiyak na mas marami ang iilan-ilang nagkakainteres na dito.







Pigil ang hininga niya ng halos 5 meters na lang ang layo nito. Seryoso lang itong nakatitig sa mga mata niya habang patuloy sa paghakbang. How she really wish to watch the stars with this boy. Iyong masaya silang hihiga sa buhanginan at tatanaw sa mga bituin sa langit. Sabay na magwiwish kapag may nakitang shooting stars.






"Tara, Lizzie!" Ang kaso tumatakbong lumapit sa kanya si Rave. Marahil ay kanina pa nito napapansin na nagpapaka-emo siya dito sa cottage. Habang sila ay nagsasaya sa tabing dagat.







Natigilan si Whimper. Samantalang siya ay walang nagawa sa malakas na paghatak sa kanya ni Rave. Nagkatinginan lang sila ni Whimper nang malampasan nila ito. Napalingon na lang siya at nakita niyang sinusundan sila nito ng tingin.






"Sayang!" Wala sa sariling nasabi niya.






Hindi naman narinig ni Rave dahil sa lakas ng music sa tabing dagat. Pinaupo siya nito sa tabi ni Menchie. Pasimple siyang lumingon sa kinatatayuan ni Whimper. Nakita niyang naglalakad na ito paalis doon.






Ganun na lang ang panghihinayang niya. Parang picture tuloy na nagrecord sa utak niya, ang itsura nito ng malampasan nila, habang tumatakbo sila ni Rave papunta dito sa bonfire. Mukha itong dismiyado!






'Saan pupunta yun?' Naitanong na lamang ng kanyang white angel.





_________________________________



A/N:




VOTE & COMMENT po.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon