Chasing 13

2.7K 66 9
                                    



A/N:






Salamat po kina : @haiz_rocks22, @cocobash, @jecdungan, @JuanNe15, @my_mich05, @AngelAndreaReyes, @BheybichingCanales, and @misvayiyi sa mga comments at votes. Salamat din po sa patuloy na nagvovote! Thank you poooo!




Wala akong pasok today and tomorrow, kaya update ito ng update! Lezzgo! Basta do your part po ah...




_______________________________





CHASING 13



DALAW









10:00 PM








Kauuwi lang ni Dave at pagod siya sa maghapong pamamalagi sa hospital. Pero kahit ganoon, hindi pa sana siya aalis kung hindi iminungkahi nang parents nina Menchie at Lizzie, na siyang bantay nang umalis siya, ay hindi pa siya papayag na umuwi na sila ni Rave.










Pagod na pagod si Dave pag-uwi ng bahay. Pero kahit pagod ay ayos lang dahil alam niya namang He spent his day for a good cause. Nagbantay siya sa may sakit na si Lizzie.








Pagdating niya ng bahay ay sinilip niya ang kwarto nina Jon at Jan. Nagkiss lang siya sa noo ng tulog na agad na kambal. Then, pumasok siya sa room ni Aling Nene na busy sa pananahi ng mga butas na short ng mga bata. Humalik siya sa pisngi ng Ina.









"Kadating mo lang, Anak?" Tanong nito pagkatapos niyang mag-mano.









"Opo, Inay." Magalang na sagot niya.








"Saan ka ba galing?" Tanong nito sa kanya.








"Nagbantay po sa hospital. May sakit po kasi ang kaibigan ko." Sagot pa niya. Ewan ba niya, pero mas minabuti na niyang huwag banggitin na si Lizzie ang kaibigan na sinasabi niya.










"Ganoon ba? Kumusta naman? Magaling na ba?" Tanong ni Aling Nene sa kanya.









"Hindi pa po eh. Pero siguro malapit na. Anyway, nasa hospital naman siya. So I'm sure they will do everything to help her get well." Sagot niya.








"Oh sige. Kumain ka na ba?"








"Hindi pa nga po."









"Kumain ka na doon. Ipinagtira ka ata ni Whimper."









"Naandito na po si Whimper?"









"Kani-kanina pa. Sige na kumain ka na, Anak." Sabi ng kanyang Ina at pumunta na siya sa kusina para kumain.







Patapos na siya sa pagkain sa kusina nang biglang lumabas ng kwarto si Whimper. Marahil ay nauliligan nito na kumakain siya. Sumandal ito sa hamba ng kusina. Nakatitig sa halos patapos na niyang pagkain. Habang ang mga kamay ay nasa bulsa.







"What?" Medyo naiilang na tanong niya kasi nga nakatitig ito sa kanya.








Lumapit si Whimper sa harap niya at ipinatong ang dalawang kamay sa lamesa. "Kuya, anong nangyari kay Lizzie?" Nababasa niya sa mga mata ng kapatid na nag-aalala ito ng labis.







Uminom siya ng tubig at nilampasan ito para ilagay ang pinagkainan sa plato. Pagkatapos ay lumakad na siya papuntang kwarto. Medyo naiinis siya kay Whimper dahil sa pagpapabaya nito kay Lizzie. Pero alam niyang hindi siya dapat makialam doon, kahit pa kuya siya nito.









"Kuya..." Tawag nito sa kanya ng makapasok din ito sa kwarto niya at umupo sa kama niya.










"Nakaconfine." Walang ganang sagot niya habang nagbibihis nang pang-bahay na damit.









"Ha?? Bakit?? Anong nangyari?" Halos sunod-sunod na tanong ni Whimper sa kanya.









"Ask yourself." Malamig na sagot niya. Nilampasan na niya ito para magpunta sa banyo at maglinis ng katawan. Antok na kasi siya.









Hindi naman nakakilos na sa kinatatayuan niya si Whimper. Hindi nito malaman kung ano ba talaga ang nangyari kay Lizzie? Bakit ba ito na-confine? Naiinis nitong naihilamos sa mukha ang dalawang kamay.










"Wala ba talagang matinong magsasabi sa akin kung anong nangyari?" Naiinis sa wika nito sa hangin. "Kailangang malaman ko ito bukas." Dagdag pa nito at lumabas na ng kwarto ng kanyang Kuya Dave.











KINABUKASAN:








"Oh Whimper, hindi ka pumasok sa school?" Tanong ni Mama Ria ni Lizzie. Nasa may nurse station ito at mukhang may sinasabi sa nurse. Natanaw siyang papalapit.










"Good morning po. Hindi po, kasi Teacher's Day lang naman po namin." Sagot ni Whimper sa Mama nina Lizzie at Menchie.



The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon