Chasing 15

2.7K 78 12
                                    



A/N:


Pambawi ko sa readers ko. Dahil wala rin naman akong work. Kaya lang, please VOTE & COMMENT po.


_________________________________


CHASING 15

ANG EX...

"Lizzie, I'm sorry." Pagbasag niya sa katahimikan sa pagitan nila.

"Sorry na naman?" Sa wakas ay nagsalita din ito. Halos mapapalakpak ang kanyang puso na sa wakas ay kinausap din siya nito.


"I know that I've hurt you too much. Kaya sorry. Sorry!" Inabot pa niya ang palad ni Lizzie, pero agad ding binawi ng dalaga.

"Just leave!" Sabi nito na parang bumingi sa kanyang pandinig. Halos gumuho na ang lahat ng kanyang pag-asa sa sinabi nito.

"Hindi ako aalis. Dito lang ako." At tumayo siya para ayusin ang kumot nito.

Hinampas naman ng dalaga ang kamay niya. "Umalis ka na!" Halos pumiyok na singhal nito. Galit talaga sa kanya.


"Ssshhhh... Pahinga ka na." Hindi niya pinansin ang pag-singhal nito. Ngumiti pa siya lalo.


"Tss.." Pikisi nito at walang nagawa kundi ang pumikit na lamang. Tutal mukha naman siyang hindi matitinag eh.

(Later...)


Nawiwi si Lizzie. Napatingin siya sa wall clock at nakita niyang 10 am na. Napatingin siya kay Whimper na nakatungo sa kanyang kama. Nakaharap sa kanya ang mukha nito at mukhang mahimbing na.


Sa totoo lang, galit talaga siya sa paulit-ulit na kasalanan nito sa kanya. Pero aaminin niya, miss niya na ang binata.

Inalis niya ang salamin nito sa mata na naipit na sa pagkakatulog nito. Ipinatong niya sa bedside table. Tinitigan niya ang mga mata nitong parehas na parehas ang pagkasingkit sa Kuya nitong si Dave.


Gusto na niya itong gisingin dahil magpapabitbit siya ng dextrose dahil pupunta siya sa cr. Pero naaawa siya sa itsura nitong mukhang himbing na himbing. Kaya pinigil na lang muna niya ang pag-wiwi at tinitigan ito. Medyo malapit din ang mukha ni Whimper sa kanya, kaya kitang-kita niya ang kagwapuhan nito.

Kinikilabutan na siya sa nararamdamang pag-ihi kaya mahinang tinapik niya ito. Hindi na niya kaya pang magpigil! "Nerdie... Nerdie.. Ui.." Paggising niya sa mahinang boses. Baka kasi maalimpungatan ito kapag binigla niya.

Kumilos naman ang daliri nito at dahan-dahang umupo ng maayos. Mapupungay ang matang tumingin sa kanya. Halatang antok pa. "Bakit, Lizzie?" Mahinahong tanong nito.

"Nerdie, ah... Eh..." Nahihiya siyang sabihin ang kailangan niya. Kanina lang ang pinapaalis niya ito, tapos ngayon, hihingan niya ng pabor? Pero kasi nawiwiwi na talaga siya! 


"May masakit ba? Anong problema?" Nakunot ang noong tanong nito. Kinapa agad ang noo niya kung mainit.


Umiling siya. Hindi siya makapag-salita. Hanggang sa bigla siyang kaligkigin. Halatang ihing-ihi na.


"Oh bakit?" Nag-aalala pa ring tanong nito ng makita siyang kumisi.


Namula ang pisngi niya sa kahihiyan. Pero ayaw naman niyang mamanghi kaya lulunukin na muna niya ang kanyang pride.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon