Chasing 60

1.7K 61 13
                                    

A/N:

Maraming salamat po sa lahat ng sumoporta sa story na ito. Paki support naman po ang bago kong story ang THE STAR http://www.wattpad.com/story/10828030-the-star. Nasa external link po iyan. Iyon naman pong mobile ang gamit, paki checkout na lang po sa profile ko. Thank you so much!

Thank you po sa walang sawang VOTES AT COMMENTS. Lalo na po ang comments nina: @omekbelo, @czarmin, @my_mich, at @AuthoressNextDoor. Salamat po sa inyo!

_______________________________________________

CHASING 30

EPILOGUE

Nagising na lang si Lizzie na nasa isang kwarto na siya. Iginala niya ang paningin sa buong paligid. Ibang-iba ito sa desenyo ng kwarto niya, or nang kwarto ng alinman sa kapamilya niya. Tatawagin niya sana si Yaya ng mapansin niyang may busal pala ang bibig niya. Tatayo sana siya sa kama pero nakatali ang paa at kamay niya. Bigla siyang nakaramdam ng takot.

'Sinong gumawa nito sa akin? Kaninong kwarto ito?' Naiiyak na tanong niya sa utak niya. Ipinikit niya ng mariin ang mga mata para alalahanin kung sino ang maaring gumawa nito sa kanya. Ang huling tanda niya ay nasa kasal siya ng magulang.

'Naku! Baka nag-aalalala na sila sa akin.' Kinakabahang bulong ng white angel niya. Hindi niya matandaan kung bakit na siya naandito ngayon. Ang huling tanda niya ay lumabas siya sa bakuran nang biglang may humila sa kanya.

Ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mata ng may maalala. Nanglaki ang kanyang mga mata nang maalala na niya kung sino ang huling taong natatandaan niyang nakita, bago nangyari ito.

'Si Rave? Bakit gagawin sa akin ito ni Rave?' Naguguluhang tanong niya. Agad niyang iginala ang buong paningin sa katawan niyang nakatali. Medyo napanatag siya ng konti ng mapagtantong kumpleto pa naman ang damit niya. Ibig sabihin, hindi naman siya narape o anuman.

Pilit niyang iniisip kung paanong nangyari ito sa kanya. Ang pagkakatanda niya, naging mabuting kaibigan naman sa kanya si Rave. Ipinilig niya ang ulo para maiwaksi ang negative thoughts. 

'Hindi maaring si Rave ang may gawa nito.' Kumbinsi niya sa sarili. Dahil kahit siya ay hindi rin makapaniwala. Mabuti ang pagkakakilala niya sa pagkatao ni Rave. Matulungin ito at maginoo. Laging handa ang binata na umagapay at tumulong sa kanya. Paanong naisip niya na ito ang may pakana ng pag-kidnapped sa kanya? 

'Napakasama ko na pag-isipan ng hindi maganda si Rave. Imposible! Imposibleng si Rave ang may pakana nito.' Kumbinsi niya sa sarili.

Nasa ganoong pagtatalo ang utak niya ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

Nanglaki ang kanyang lumuluhang mata ng makita kung sino ang iniluwa ng pintuan. 

SI RAVE!!!

"Lizzie, kumain ka muna." Malambing na sabi nito. May dala-dala itong tray ng pagkain at naglakad palapit sa kanya. Umupo pa ito sa tabi niya sa ibabaw ng kama. Napaatras naman siya ng upo. Natatakot siya kay Rave na baka may gawin itong hindi maganda. Kinakabahan siya!

Dug..

Dug..

Umiling-iling lang ang hindi pa rin makapaniwalang si Lizzie. 'Close friend ko si Rave ah? Bakit gagawin niyang ipahamak ako?' Nakakunot na tanong ng isip niya. Hindi niya kasi maisaboses kasi may busal ang bibig niya.

"Paano ka nga pala kakain kung nakabusal ang bibig mo?" Tanong pa nito sa kanya habang nakangiti na animo'y walang nangyayaring hindi maganda. Pinunasan pa nito ang mga luha sa kanyang mga mata. Halos nanginig naman siya sa takot ng dumapi ang kamay nito sa kanya. Nagpapanic na nag-iwas siya ng mukha dito.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon