Chasing 46

2.3K 68 8
                                        

A/N:

Wala akong pasasalamatan kasi wala namang nagcomment o nagvote man lang last chappy... VOTE & COMMENT please??!! V-O-T-E & C-O-M-M-E-N-T!

____________________________________

CHASING 46

CHASING WHIMPER

Tulad ng inaasahan, nalaman ng pamilya niya ang pagkawala niya sa honor list. Halos mahimatay ang kanyang Mama. Sa buong pag-aaral niya, ngayon lang siya natanggalan ng medalya kada quarter. Ang Papa niya ay nag-aalala dahil alam nitong mataas ang I.Q. niya. Pero ang tanong ng mga ito... Bakit ka bumabagsak?

Napilitan tuloy ang parents niya at adviser na kusapin siya para sa isang conference. At doon sinabi niya ang nangyari kung bakit nagkaganoon ang mga exams niya.

Sinabi niyang nawawalan siya ng interes sa mga exams dahil pakiramdam niya, sobrang basic ng mga tanong. Feeling niya ay parang nakakabobo ang mga pagsusulit na binibigay sa kanila. Walang ka-challenge-challenge para sa kanya.

Kaya naman ang hatol ng adviser nila, kumuha siya ng advance lessons para matrabaho ang acceleration niya. Itong mga klaseng ito ay one hour after class at 4 hours tuwing saturday. Tatanggihan niya sana, pero hindi niya sinabi na dahil mawawalan siya ng oras na sundan at matyagan pa si Whimper, kaya ayaw niya sana. Pero napapayag siya ng malaman na kasali din si Whimper dito. Dahil sa extreme scores din nito. 

Pinakuha ng I.Q test ang mga honors ng 3rd Quarter. Nagtaka pa nga ang mga estudyante na napasama siya gayong wala na siya sa line-up. Pero bumilib ang lahat ng mapapaskil ang results.

Whimper     160%

Monaliza      158%

Tristan          90%

Onic             89%

Bumilib ang lahat sa scores nila ni Whimper. Medyo tinalo lang siya ni Whimper sa ilang questions sa Calculus. Pero overall, halos pantay sila. Kaya naging usap-usapan na sa buong campus ang tungkol sa acceleration class nilang dalawa. Pumayag naman ang Ina ni Whimper dahil mas makakatipid nga naman kung ma-aaccelerate ang binatilyo.

At ngayon, silang dalawa ni Whimper ang nasa harap ng adviser nilang si Sir Karl Hernandez. Binibigyan sila ng quiz para sa acceleration test nila. Naandito sila sa faculty room at nakaupo sa magkabilang dulo ng mesa.

Nang macheckan ng guro ay parehas silang perfect. Kung dito mo babasihan, halatang bagay na bagay ang dalawa. Parehas sobrang talino. Talino na kahit ibang teachers ay naiintimidate na. Parang hindi na kayang magturo sa kanilang dalawa.

Tahimik silang lumabas ng room. Nauna siya at nasa likod niya si Whimper. Alam niyang gabi na. Ibaba na niya muna ang pride niya at aalukin si Whimper na sumabay na sa kanya pauwi.

Tumigil siya sa paglakad kaya napahinto rin si Whimper sa likod niya. At nang lumingon siya, nabungaran niya ang gwapong mukha ni Whimper na nasa likod na niya.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon