Chasing 26

2.6K 82 10
                                    


A/N:


Maraming salamat po kina: @jecdungan, @my_mich05, @Riiinnn, at @JuanNe15, @kath_bash22, at @czarmin para sa comments! Maraming salamat din po sa mga iba pang nagVOTE. Help me plug this story... Please? Thank you po!

______________________________


Chasing 25


HULI NA


Tapos na ang seminar nila dito sa Marinduque. Papunta na sana sila sa port ng Marinduque, nang masiraan ang van na inarkila nila para sa students. Mabuti na lamang at ang pamilya Zacarias ang nasa huli ng convoy kaya maaksyunan agad iyon.

Bumaba si Papa Tope ng biglang tumigil at umusok ang van sa unahan nila. Napababa na rin ang nag-aalalang si Ria. Ibinaba naman ng magkapatid ang bintana ng kanilang fortuner.


"Anong nangyari?" Narinig nilang tanong ng kanilang Papa sa driver ng van.

Kakamot-kamot naman ito ng batok. "Nag-overheat po, Sir." Nahihiyang paliwanag nito.


"Over heat? Bakit hindi ninyo chineck?" Alam ng magkaptid na pigil ang inis ng kanilang Papa.

"Sorry po." Tumungo pa ito sa kahihiyan.


"Sorry? Paano ang mga bata? Wala ba kayong ipapadala na pwedeng paglipatan sa kanila?" Naiinis na tanong ng kanyang Mama.


"Irerefund na lang po namin ang inyong pera. Sorry po talaga."


"No! Sorry is not enough. Bayadan ninyo ang danyos ng pwerwisyo nito. Papupuntahin ko si Attorney sa opisina ninyo!" Medyo mataas na ang boses ni Tope. At alam ng magkapatid na galit na ito. Bihira itong magalit, pero kapag nagalit, grabe!


"Sorry po!" Ulit ng walang magawang paraan na driver.


"Lizzie! Menchie!" Tawag ng kanilang Papa.


Bumaba naman agad ang magkapatid. Takot sila kapag galit na ito. "Bakit po, Papa?" Ang kanyang Ate Menchie ang nagkalakas ng loob na magtanong.

"Menchie, sabihin mo sa driver natin na isakay ang mga gamit sa Sta. Fe ng Mama ninyo." Seryosong utos nito kay Menchie na agad namang sinunod nito.


"Opo, Pa." Sagot nito. Dumiretso na agad sa nasa unahang sasakyan nila na wala namang laman kundi driver lang at gamit nila.


"Lizzie, isakay mo sa Fortuner ang hindi kasya sa Sta. Fe. Siguraduhin mong comfortable lahat ang mga estudyante." Utos pa rin ng kanyang Papa sa kanya.


"Opo." At tumalikod na siya papunta sa van.

Ipinagbukas naman siya ng driver ng van ng pinto. "Lilipat kayo sa Hyundai Sta. Fe." Announce niya at nagsipagbabaan naman isa-isa ang mga ito.

"Sa inyo ako sasakay, Lizzie." Sabi ni Rave sa kanya ng makababa ito.

"Tara na sa Sta. Fe." Sabi ng kanyang Mama at sumakay ito sa unahan.

"Diyan ka, Ma?" Tanong ni Menchie.

"Dito ako sasabay. Walang kasabay ang mga bata. Doon kayo sa Papa ninyo sumakay." Sabi ng kanilang Mama.


Nagsipagpasukan ang mga estudyante. Pinagkasya na lamang kesa naman maiwan sila ng barko. At nang maisara na ang sasakyan, 5 pa ang walang upuan. Kaya tulad ng inutos ng kanilang Papa, sa fortuner nila pinasakay ang iba pa.


Pumasok sa fortuner ang mga naiwang sina Tristan, Jasmine, Rave, Nina, at Whimper. Nakita pa niya ang itsura kanina ni Sam na parang gusto nitong bumaba ng marealize na hindi nakasakay si Whimper. Pero wala itong nagawa ng biglang isara ni Kuya driver ang kotse.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon