A/N:
Salamat po sa mga nangulit na lagyan ko ng book 2. Don't forget to VOTE & COMMENT. Iyong hindi pa po nababasa ang Part 1, paki read po ang FALLING FOR MISS PERFECT na nasa external link ----->>>
____________________________________
Chasing 1
THE CASTSPagkatapos mangyari ang mapait na paghihiwalay nila ni Whimper ay nakiusap si Lizzie sa kanyang Mama Ria na ilipat siya ng section. Hindi naman kasi siya pwedeng lumipat ng paaralan dahil hindi ito papayag. Syempre sa kanila ang school na ito, tapos sa ibang school siya papasok?
Inilipat siya ng kanilang hired principal sa First Section. Mataas din naman kasi ang kanyang mga grado. Noong una ay may mga balibalita na babalik din daw si Whimper sa star section, mabuti naman at hindi natuloy.
Ilang beses din siyang tinangkang kausapin ng kaibigan niyang si Sam, pero umiwas siya. Hindi naman sa nagmamataas siya, hindi lang talaga niya gustong makausap pa ito. Para sa kanya ay hindi pa siya handa. Sariwa pa rin ang sugat na ginawa nito. Kaya niya namang maiintindihan ang tungkol sa pustahan. Ang hindi talaga niya matanggap ay ang pagtataksil ng dalawa.
Kahit si Whimper ay iniwasan niya. Tuwing uwian ay nagmamadali na siyang umuuwi para lang hindi ito magkaroon ng chance na kausapin siya. She needs space. Sinubukan din nitong ibalik ang iPhone 3G niya, pero hindi nia tinanggap. Bayad niya iyon sa nabasang cherry mobile nito noong magnobyo pa sila. Nabasa dahil sa pinabayaan niyang mabasa ng ulan. Sumama kasi siya noon sa Kuya ni Whimper na si Dave, at nalimutang kasama niya si Whimper.
Kapag naman may pagkakataon, sina Rave o si Dave ang kasama niya sa free time. Mas madalas nga lang si Rave kasi highschool din ito tulad niya. Hindi tulad ni Dave na sa kabilang building dahil college na ito.
Siya si Monaliza Zhane Zacarias, 15 years old, 3rd year highschool student sa prestigious school na St. John Colleges (dating St. John School kaso na-approve ang accreditation). Bunsong anak nina Ria Dela Cuesta-Choi-Zacarias at Christopher Zacarias.
May panganay siyang kapatid si Menchie Choi Zacarias. Ang kanyang Ate ay half-sister niya lang. Namatay kasi ang Daddy nito, na dating asawa ng Mama nila, ang dating may-ari ng school na si Justine Choi (A/N: Bida sa I Love You, Justine Choi!). Nang namatay ang Dad ng kanyang Ate ay ikinasal naman ang kanilang Mama Ria sa kanyang Papa, at nabuo siya.
Si Samantha Yu, 15 years old, 3 years ng bestfriend ni Lizzie. Nagkasira lang sila dahil sa mga pustahang naisip nito at lihim na pakikipag-relasyon sa dati niyang nobyong si Whimper. Kaklase niya ito dati sa second section at isa sa dahilan bakit nagpalipat siya sa Star Section.
Si Rave Louise Villaflor, solong anak na dati niyang crush na ka-batch ng kanyang Ate. 5th Year highschool na ang dalawa. 17 years old na ito. Isang basketball player sa school nila. Noong panahong may nobyo pa si Lizzie ay nagtapat ito ng interest na ligawan sana siya. Ang kaso ay mahal na mahal niya si Whimper ng panahong iyon kaya tumanggi siya.
Si Dave Becher, 18 years old na kapatid ni Whimper. Kahit na kapatid ito ni Whimper ay hindi naman ito automatic na kampi sa dati niyang ex-boyfriend. Matuwid itong mag-isip at marunong magtimbang ng mga bagay-bagay. Isa itong soccer varsitarian. Mabait ito at gwapo kaya dati rin itong crush niya.
Syempre, si Whimper Becher, 15 years old, pangalawa sa 4 na magkakapatid na mga anak ni Aling Nene. Isang certified nerd na nagpalipat dati sa second section para lamang mapalapit ang loob kay Lizzie. Sa pangarap na mapansin ni Lizzie, ay pumasok sa isang relasyon at pustahan, na may kapalit na magkalapit ang loob nila ng matagal ng gustong babae.Ang kanilang sabit-sabit na mga buhay ang magpapasimula ng THE CHASE. Ngayong kilala ninyo na sila, let THE CHASE begin!
____________________________________
A/N:
Ansabi ng Chapter 1? Tuloy o hindi? Hit VOTE & COMMENT kung tuloy pa. 15 VOTES & 10 COMMENTS = UPDATE.

BINABASA MO ANG
The Chase
Teen Fiction"Hinahabol ko siya, hinahabol mo ako, sinong humahabol sa iyo? Nobody! Mahal ko siya, mahal mo ako, sinong nagmamahal sa iyo? Meroon ba?" Ito po ay kwento nang pagmamahalan na walang kasiguruhan. Isang Nerd (Myungsoo) na umibig sa isang Miss Perfect...