A/N:
Sorrryyyy!! Napuyat me kagabi. May fashion show kasi si Tope.. Sowee!!
_________________________________________
CHASING 45
RANKS
Iyon na ang huling pag-uusap nina Whimper at Lizzie. Ilang linggo na narin ang lumipas, pero never na silang nagka-chance na magkausap muli. At sa mga nakaraang araw, ewan nga ba ni Lizzie. Kasi wala siyang ibang iniisip kung anong ginagawa ni Whimper, nasaan ito, sinong kasama nito, at kung kumusta na ba ito. Madalas na nga siyang mapansin ng mga teachers niyang tulala. At ang talagang hindi niya mapigilan, siya naman ngayon ang mukhang *anga na lihim na nagmamatyag at sumusunod dito.
Kung noon kasi ay laging umaaligid sa kanya si Whimper, ngayon hindi na. Ni-hindi na siya makuhang sulyapan nito tuwing magkukrus ang landas nila. Ang nakakainis lang, ngayon namang tinigilan na siya nito, parang hinahanap-hanap niya naman. Eh kasi naman, aminado naman siyang mahal niya pa ito, hindi ba?
Dumating ang mga quizzes nila. Madadali lang naman ang mga iyon dahil mataas naman ang I.Q. niya. Pero kinatatamaran na niyang sagutan ang bawat pagsusulit. Mas gusto pa niyang matapos ang lahat at sundan kung saan na naman matatagpuan si Whimper. Sunod lang siya ng sunod, pero hindi naman siya nagpapakita. Kasi naman, kung hindi naman niya gagawin iyon, hindi na talaga niya ito masusulyapan man lang. Dahil obviously, umiiwas ito sa kanya. Ang bagay na iyon ang nagpapalungkot sa kanya. Miss na miss na kasi niya ang binata. Kahit pa mag-away sila, basta magkaharap at magkausap lang ay ok na sana.
Kahapon ay nag-graded recitation sila sa lahat ng subject. Perfect ang scores niya sa lahat. Kaya nagtataka ang mga teachers niya kung bakit kapag quiz o long exam na ay laging zero siya. Madalas na pangalan lang niya ang nakasulat. Minsan naman ay may score din siya kahit paano. Pero wala pa sa kalahati. Ang sinasagutan lang kasi niya ay ang hard questions. Deadma siya sa mga multiple choice, fill in the blanks, at identification.
'Tanong ba ito talaga? Napakawalang kwenta naman!' Bulong ng utak niya. Dahil tulad ngayon na nagka-quarterly exam na naman sila. Binasa niya ang mga questions. Napakadadali ng mga tanong. Sa tingin niya, kahit hindi mag-aral ay kayang sagutin. Kaya ang ginawa niya, isinulat lang niya ang pangalan niya. Hindi niya sinagutan ang mga tanong na feeling niya pang-elementary. Ang sinagutan na lang niya ay ang 20% na essay questions. Dahil dito sa essay, na-cha-challenge siya.
At nga matapos siya ay ipinasa na niya ang papel at lumabas na ng room. Nagkakandahaba ang leeg niya sa pagtanaw sa kabilang room ng lumabas si Whimper. Nakatingin lang ito sa binabasang libro ng next subject ng mga ito na may exam din.
'Gwapo talaga!' Bulong ng utak niya. Dahil abala ito sa pagbabasa at hindi siya napupuna, pinagfiestahan na lamang niya ang pagtitig dito, mula ulo hanggang paa. Ang gwapo kasi ni Whimper sa suot nitong hoodie na nakapatong sa uniform. Ang makintab at bagsak nitong buhok, mapulang mga labi, makinis na kutis na may kaputian, ang matangos nitong ilong, at ang mapupungay na singkit na mga mata.

BINABASA MO ANG
The Chase
Teen Fiction"Hinahabol ko siya, hinahabol mo ako, sinong humahabol sa iyo? Nobody! Mahal ko siya, mahal mo ako, sinong nagmamahal sa iyo? Meroon ba?" Ito po ay kwento nang pagmamahalan na walang kasiguruhan. Isang Nerd (Myungsoo) na umibig sa isang Miss Perfect...