Chasing 34

2.4K 84 9
                                    

A/N:

Hit VOTE & COMMENT. May pasabog ako later. Mas madaming vote at comment, mas mabilis ang update. I'm not kidding.. Mga 15 votes at 10 comments ha...


May bago pala sa iPhone. Iyong mga iOS7 diyan, paki hit naman iyong react doon.. Para magkaroon ng hearts iyong stories natin guys.

Thank you!

________________________________________________


CHASING 34

MR. & MS. INTRAMURALS - 1

(Later..)

Hindi na mapakali ang kasama niyang si Dave dahil tinawag na backstage ang mga contestant. Kaya sila na lamang dalawa ang naiwan sa lamesa. Kung sino-sino na ang lumalapit sa kanila at tinatanong si Dave kung nasaan si Whimper. Bakas tuloy ang pag-aalala sa mukha nito para sa kapatid.



"Dadating din iyon." Sabi niya kay Dave. Baligtad na ngayon. Kanina ay ito ang siguradong-sigurado na dadating si Whimper. Ngayon siya naman ang kumukumbinsi dito. Kahit siya mismo ay hindi sure kung dadating ito. Baka nachicken out na si Whimper na magpakita eh.



"Ilang minuto na lang ay lalabas na sila." Sabi ni Dave sabay tingin sa relo.


"Kung hindi dumating, eh di hindi. Bayaan mo na, baka kinabahan eh." 

"Kung bakit ba naman kasi sumali pa siya? Baka hindi dumating ang lokong iyon ah?" 

"Calm down. Teka, excuse lang at washroom lang ako." Paalam niya.


"Samahan kita?" Tanong ni Dave sa kanya.

"No need. Kaya ko na."

"Sige." Sagot ni Dave pero ang paningin ay nasa cp nito. Tinitingnan kung may text na si Whimper.

Naiiling na naglakad na lang si Lizzie papunta sa restroom. Pumasok siya sa isang cubicle at nagwiwi. Naghugas siya ng kamay. Ngumiti sa kanya ang ilang highschool students na namumukhaan niya. Tumango lang siya.

Papalabas na sana siya. Pero may college students na mukhang freshman ang humarang sa daanan niya palabas ng washroom.

"Hoy! Sino ka ba? Bakit date mo si Dave Becher?" Tanong ng isa sa tatlong nakaharang sa exit door.

Tiningnan niya mula ulo hanggang paa. Ang kapal ng make-up ng mga babae!

"Pake mo? Teka, akala ko Intrams Night ito. Pero bakit parang pupunta kayo ng birthday party?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa naka maikling gown na kulay red.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon