A/N:
Salamat sa inyong support! Vote & Comment lang para tuloy-tuloy ang mabilis na upload. 15 VOTES & 10 COMMENTS = UPDATE.
__________________________________________
Chasing 3
TIYAGA 1Hinabol ni Whimper si Lizzie hanggang canteen. Nakita niya naman itong naupo kasama ang kapatid nitong si Menchie at si Rave. Naaalala pa niya dati na madalas na sila ang sabay kumain dito tuwing break. Hindi maiwasang hindi siya malungkot at manghinayang. Lumapit siya sa kanilang mesa. "Bahala na!" Sabi niya sa hangin.
"Whimper." Nakangiting bati ni Ate Menchie sa kanya. Si Rave naman ay nakasimangot, habang si Lizzie ay deadmang kumakain ng burger na binili ni Rave para sa kanya.
"Ate Menchie, pwede bang makiupo sa inyo?" Nahihiyang tanong niya. Kakamot-kamot pa siya sa kanyang batok."Sure. Urong ka nga ng konti, Rave para magkasya tayo." At umurong naman si Rave pasiksik kay Lizzie. Bale si Rave, tapos si Lizzie, then si Menchie at sumingit si Whimper, sa pabilog na mesa, sa gitna ni Rave at Menchie.
"Salamat, Ate." Seryosong sabi niya kay Menchie. At tumitig na siya kay Lizzie na walang pakialam na kumakain.
"Kumusta? Bakit hindi ka na napunta sa bahay?" Tanong ni Menchie na halatang walang kaalam-alam.
"Break na kasi sila." Si Rave ang hindi nakatiis na sumagot.
Nakita ni Whimper ang masamang tingin ni Lizzie sa kapatid nito ng magtanong ito ng ganoon. Nalulungkot siya kasi hindi man lang siya matapunan ng tingin ni Lizzie. Balik na naman sila sa dati na kahit tingin nito ay parang napaka-mahal na bagay, na ipinagdadamot ng dalagita.
"Totoo ba iyon, Sis?" Baling ni Menchie kay Lizzie.Tumango lang si Lizzie at ibinaling na ang attention sa kinukwento ni Rave na tungkol sa basketball. Hindi maiwasang hindi magselos ni Whimper sa closeness ng dalawa.
"Pasensya ka na. Masungit talaga itong kapatid ko kaya siguro kayo naghiwalay." Comment ni Menchie.
BOOM!!
Halos sabay na napatingin dito sina Rave at Lizzie. Hindi nakatakas sa pandinig nila ang comment ni Menchie.
"H-hindi ganoon. Ang totoo ay ako ang may kasalanan." Nahihirapang amin niya na bakas sa mukha ang kalungkutan.
"Talaga? Bakit anong nangyari?" Tanong nito na halatang nasopresa sa natuklasan. Namilog ang mga mata ni Menchie at literal na napanganga sa narinig.
"Sinira ko tiwala niya." Napatungo si Whimper sa pag-amin."Oh my! That's bad." Tapos sumulyap ito sa kaharap na kapatid na kausap na naman ni Rave.
"Oo nga." Malungkot pa rin si Whimper habang nakatitig kay Lizzie.

BINABASA MO ANG
The Chase
Teen Fiction"Hinahabol ko siya, hinahabol mo ako, sinong humahabol sa iyo? Nobody! Mahal ko siya, mahal mo ako, sinong nagmamahal sa iyo? Meroon ba?" Ito po ay kwento nang pagmamahalan na walang kasiguruhan. Isang Nerd (Myungsoo) na umibig sa isang Miss Perfect...