Chasing 21

2.6K 80 6
                                    



A/N:


Please help me plug this story guys... Thanks po!


_______________________________


CHASING 21


WALLPAPER



"Ang ganda mo." At binatawan na muli ng lalaki ang buhok ni Whimper, para lang hawakan ang pingi niya.





Lalong nanglilisik ang mata niya sa ginawa ng lalaki. Tinitigan niya ang mata nito at nakipaglaban siya ng masamang tingin. Lumapit naman ito lalo sa kanya.





"LIZZIE!" Sigaw ni Whimper. Pilit itong humahakbang para malapitan ang lalaking nakikipagtitigan sa kanya.




Pero binalingan agad ito ng lalaki at akmang susuntukin ng...












"KYAHHH!" Ni-round house kick ni Lizzie ang lalaki! Isa kasi sa sports na expert siya ang taekwondo. Black belter siya sa sport na ito.





Napaluhod ang lalaki sa sipa ni Lizzie. Pero ang mga kasamahan nito ay nagsilapitan sa kanya. Isa-isa itong nagsipaglapitan. Pinagsisipa ni Lizzie ang mga lalaki! Halos naka-apat na siyang patumba nang makalapit siya kay Whimper.





"Puntahan ninyo si Mama! Pagamot ka!" Sulyap at sigaw niya kay Whimper.





Saka lang natauhan si Sam at tinulungang tumayo, ang nasalikod ni Lizzie, na si Whimper. Pero itinulak nito si Sam palayo at nakigulo sa pakikipag-away ni Lizzie. Hindi nito maiiwan siya sa ganitong sitwasyon na puro lalaki ang kalaban.





Nakisuntok si Whimper sa mga bully. Nakapag-pabagsak na ito ng dalawa, nang magkabangaan ang likod nilang dalawa habang nakikipag-away. Si Sam naman ay nakatang@ lang sa kanila.






Nilingon niya ito. "Ano ba? Pagamot mo iyan! Dugo na yan ng dugo!" Inis na sabi niya dito.






"SA LIKOD MO!" Sigaw ni Rave. May muntik na kasing pumukpok ng bote sa ulo niya. Bote iyon ng softdrink. Nakipagsuntukan ito sa mga bully. Hindi sila tumigil hanggat hindi bagsak lahat.






Nang matapos ay inalalayan nilang apat si Whimper papunta sa Mama Ria niya. May dala lagi itong first aid kit. At iyon ang kailangan ni Whimper ngayon. Kahit diinan kasi ni Lizzie ang noo nito ng panyo, hindi pa rin maampat ang dugo.






"Ria!" Napatayo ang kanyang gising na Papa para gisingin ang kanyang Mama. Nakita kasi nito ang itsura ni Whimper na puro dugo ang damit at putok ang labi at noo.





Iniupo nila si Whimper. Pinagtitinginan sila ng iilang pasahero sa paligid.




"Juskopo!" Sabi ng kanyang Mama ng makita itsura ni Whimper. Kinuha nito ang first aid kit at iniabot sa kanya.






"Anong nangyari sa boyfriend mo, Lizzie?" Tanong ng kanyang Papa. Hindi naman kasi alam ng parents niya na break na sila. 

"N-napagtripan sa itaas, Pa." Nabubulol pang sabi niya.

"Dito muna kayo, Ria. Irereport ko lang ito kay Kapitan. Kailangan maparusahan ang mga iyon pag-daong natin sa lupa." At nagmamadaling umakyat ang kanyang Papa.

Nag-aalalang nakatingin si Ria kay Whimper. Magaan na rin kasi ang loob nito sa binatilyo simula ng walang takot itong sumagot sa mga tanong niya noon. Si Menchie naman ang taga-abot ng bulak. Habang si Rave at Sam ay matamang nakatingin sa ginagawa niya.

"Bakit ka ba napaaway?" Hindi mapigilang tanong ni Menchie kay Whimper.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon