Chasing 28

3.3K 76 6
                                    

A/N:


Maraming salamat po sa lahat ng sumusuporta. Bakit ganoon? Iyong gumawa ng video natin at book cover eh mukhang hindi na nagbabasa nito. Anyways, salamat po sa palaging nagvovote. Guys, I wanna hear your insights. Please share your comments.


Thanks to: @JuanNe15, @BheybichingCanales, at @czarmin sa kanilang mga comments..


________________________________________

CHASING 28


INTRAMS - Gymnastics


Intrams na sa buong St. John Colleges. Madaming mga bandiritas, lobo, booths, at iba't-ibang activities sa school.

Kasalukuyang nag-iistretch si Lizzie kasi lalaro siya sa gymnastics event. Sa kanilang batch, siya lang at si Queenie ang representatives.


Last year ay nag-place siya ng first overall at second si Queenie. Pero this year kinakabahan siya dahil magaling daw iyong first year student na si Del.


Si Del, Maridel Tan ang buong pangalan, ay 13 years old. Solong anak ng mag-asawang businessman. Transferee from St. Augustine International School. Lumipat dahil gustong mag-concentrate sa pag-aaral. Pagod na daw ito sa dating school na sobrang sosyal ang mga tao. Dito kasi sa St. John, halo-halo ang estudyante. Ke-mahirap o mayaman, basta matalino, pasok.

Ang mother daw ni Del ay dating Olympian sa larangan ng gymnastics. Kaya bata pa lang ito ay tinetrain na talaga.


Medyo nagpahinga lang ng 2 years si Del nang aksidenteng mabalian ito at mahulog sa balance beam. After 6 mos., ito ang first time na magcocompete muli.

"Lizzie, can we possibly win over Del?" Tanong ni Queenie habang magkasabay at magkatulong silang nag-iistretch.

"Maybe... Ang importante, we will try our very best, di ba?" Positibo niyang sabi kay Queenie.


"Well, kung may ganyan ka namang inspiration ay tiyak na mananalo ka." Nakangiting sabi nito, habang nakatingin sa may likod niya.


Dug..


Dug..



Dahan-dahang lumingon si Lizzie sa direction na tinatanaw nito. Kinakabahan siya sa pag-aakalang si Whimper iyon.


"Hi!" Nakangiting kumaway sa kanya ang nalingunan niyang si Dave. Nakatayo ito sa gilid ng mga bleachers habang nakapamulsa.


Lumapit siya kay Dave na nakangiti. Kahit na medyo dismiyado siya dahil akala niya ay si Whimper, pero natutuwa siyang makita ang kanyang kaibigan.

"Oh bakit naandito ka?" Nakangiting bungad niya ng lubusang makalapit. Maaga pa para sa game kaya medyo kokonti pa ang laman ng auditorium. Ang ibang estudyante ay pumunta lang ng maaga para may sure seats na sila.

"Bawal ba?" Nakangiti ring sabi nito. Isinabit pa sa tenga niya ang ilang buhok na nahulog sa kanyang mukha. Pulang-pula tuloy si Lizzie.


"Is that Dave Becher? Ang gwapo!"

"Doc, linisan mo ako ng teeth."

"Kung ganyan kagwapo at katikas ang doctor ko, kakain ako lagi ng chocolates. Para sumakit ang ngipin ko at nang palagi ako sa clinic niya."


"Pero hindi ba't ex ni Zacarias ang kapatid na bata ni Dave?"


"Maiinlab lang si Lizzie sa magkuya pa."

Mga naririnig niyang bulungan ng mga chismosa sa gilid ng bleachers. Napailing na lang si Lizzie.


The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon