Chasing 43

2.2K 73 6
                                    

A/N:

Thank you sa VOTES ninyo! Salamat po sa comments nina: @iamjunaquel, at @czarmin, @jecdungan ( imissu!), @my_mich05, at @JuanNe15.

____________________________________________

CHASING 43

SANA

(A/N: Please play youtube video on your right ----->> Para mas feel!)

Natulala si Lizzie at nakatitig lang sa mga mata ni Whimper. Tumikhim ito at ngumisi. Para bang inaasar siya sa kanyang reaction. At dahil mapride si Lizzie, umiwas siya ng tingin. Dahil sa tuwing ganitong sila lang ang magkaharap, isa lang ang sinisigaw ng puso niya na ayaw niyang pakinggan...


Mahal pa niya si Whimper!

"Hindi ba't ito ang ipinunta mo? Tapos na ang kumustahan natin di ba?" Pagsusungit niya para matakpan ang pagkapahiya.

Naiiling namang binitawan na siya ni Whimper. Umupo ito sa kama niya. Feel at home lang? Itinukod ang kamay at parang nakasandal sa higaan niya.

"You're really enjoying this, don't you?" Seryosong tanong nito sa kanya.

Grabe lang! Kanina ay parang ok na. Ngayon iba na naman ang mood? Kitang-kita ang napu-frustrate na itsura ni Whimper. Kumunot ang kanyang noo. Though, my idea siya kung anong sinasabi nito, pero ayaw niyang maging assuming.

"Enjoying what?" Takang tanong niya in a cold tone.

"Ito. Iyong lagi tayong nagbabangayan." Seryoso pa rin ito. Ang mga mata ay wala ng emosyon hindi tulad kanina. Feeling niya, talagang napundi na ito sa kanya.

"Ganito na naman talaga tayo ngayon, hindi ba? We can never have a long nice conversation." Sagot din ni Lizzie.

"Bakit nga ba ganito na tayo? Konting bagay hindi tayo magkaintindihan?" Umupo na ng ayos si Whimper at nakatutok sa kanya ang buong attention. He's really waiting for her answer.


"It's because, we don't trust each other. Palagi nating naiisip ang nakaraan. Tulad ng ginawa ninyo sa akin ni Sam."


"Bakit naman nadamay si Sam dito?" Medyo tumataas na ang boses na tanong ni Whimper. Nagtatalo na naman sila.

"Wow! Pinagtatanggol si Sam? Alam mo Whimper, ang pagkakaibigan para sa atin ay imposible na talaga. At mas lalong nagiging imposible pa tuwing andiyan si Sam."

"Hindi ko pinagtatanggol si Sam, ok?! Ikaw ang pinagtanggol ko noong napaaway tayo sa school. Pero ikaw, kaya ka naman talaga napaaway dahil sa pinagtanggol mo si Kuya, hindi ba? Hayys!" Napahawi na lang ito sa buhok nito sa inis.


"I fought for Dave because he fought for me!" Paglilinaw niya.


"Ewan! Arghh!" Inis na sabi nito at inihilamos na sa mukha ang kamay.

Napatayo na siya sa upuan sa bwisit. "Pero ikaw, mula noon hanggang ngayon, kahit magkagulo tayo, hindi mo maiwas-iwasan si Sam!" That's it! Napasigaw na rin siya sa inis.

"Mygad! Your accusations are pointless!" Napakuyom na ang kamao ni Whimper sa inis.


"It's not an accusation. It's based on what I see. Get it? Mabuti pa si Dave, openminded! Hindi tulad mo. Hindi mo makita ang buong pangyayari."

"Si Kuya na naman! Anong hindi ko makita? Na you gave-up you're freedom for my brother? Na alam mong magagalit ang family mo kapag nakipaglaban ka, pero for my brother, tinuloy mo pa rin?"

"Whimper, hindi lang naman si Dave ang pinagtanggol ko! Ikaw din! Ikaw rin!"


"No! Wala pa ako, talagang nakipaglaban ka na for him. You were fighting for my brother, and I fought for you, but nobody fought for me!"

Naiiyak na si Lizzie. "You're wrong! He fought for me, so I fought for him, then you have defended me, and in the end I almost killed them to protect you!" Pagtatama niya.

"Teka. Teka. Parang isinusumbat mo sa akin na pinagtanggol mo ako ah!"


"Hindi! Pinapaliwanag ko dyan sa magulo mong utak kung anong nangyari."


Naiiling na lang si Whimper. "Sana hinayaan mo na lang ako doon. Dapat iniwan mo na lang ako at dinala si Kuya sa clinic!" Sigaw pa rin nito.

Pumatak na ang luha niya. Napagod na siya. Para na silang south at north pole na hindi na talaga magtatagpo. Talagang hindi na sila magkasundo.

"Sana nga ganun na lang ang ginawa ko. Sana nga iyon na lang, para hindi ako naparusahan ng ganito. At sana huwag ka ng magpakita ng kahit konting concern sa akin. Sana hindi ka na pumunta dito sa bahay namin. Para sana hindi sumisikip ang dibdib ko ng ganito." At tuluyan ng tumulo ang sunod-sunod na luha niya. Hindi na niya napigil na mapaiyak.

Napatayo si Whimper sa pagkakaupo. "Sorry! Mukhang nagkamali nga ako. Pero alam mo ba kung anong puno't dulo nito?" Tanong ni Whimper na namamasa na rin ang mata. Hindi na siya makasagot kasi pakiramdam niya masakit na ang lalamunan niya. Napapagod na siyang makipag deskusyon kay Whimper, lalo na't wala naman silang masolve na dalawa.

"Ang puno't dulo is I've fallen for Miss Perfect. Nainlove ako sa iyo. Goodbye, Lizzie. Sorry sa abala." At tinalikuran na siya nito. Lumabas na ito ng kwarto at iniwan siyang umiiyak.

Kahit siya hindi niya alam kung bakit nagkaganito ang naging usapan nila. Ok naman sila kanina. But they still ended up with arguing with each other.

"Lizzie, what's wrong?" Mahinang tinapik siya ng Ate niya sa balikat. Nakadapa kasi siya sa kanyang unan at umiiyak.

"Bakit umalis na si Whimper? Bakit ka umiiyak? I thought you will be happy that I brought him here. Kahit na ipinuslit ko lang siya kina Mama at Papa. Nakiusap pa siya sa akin just to see you. Anong nangyari? Tell me, Baby. Alam mo namang laging naandito si Ate palagi para sa iyo, hindi ba?" Lambing pa ng kapatid niya habang hinahaplos ang buhok niya.


Iyong feeling na mas naiiyak ka kapag may nagcocomfort sa iyo ang nararamdaman ni Lizzie. Bumangon siya at yumakap sa kanyang Ate Menchie.


"Tahan na. Ano bang nangyari? Nag-away ba kayo?" Tanong pa rin nito habang yakap siya ng mahigpit.


"Ate, ok naman noong una eh. Pero hindi ko alam kung bakit nagka-ganito na naman. Talaga atang mahirap na kaming pagsamahin sa isang kwarto ng hindi kami magtatalo..." Sagot niya habang nakatitig sa mga mata ng kapatid niyang si Menchie.

Pinunasan naman ni Menchie ang mga luha niya. "Tumahan ka na. Siguro nga ay hindi talaga kayo bagay. Laging nagka-clash ang personality ninyo." Sa sinabing iyon ni Ate Menchie niya ay lalo siyang napaiyak. Parang hindi siya makasang-ayon na hindi sila bagay ni Whimper.


Hindi siya nakakibo. Kung alam lang nito na kontrang-kontra siya sa isiping hindi sila bagay. Parang hindi kaya ng kanyang puso na tanggapin ang bagay na iyon. Dahil dama niya na kahit paano ay may timbang pa din siya kay Whimper, at ganun din naman siya.


"Ate, why do we always hurt the ones we love?" Hindi na niya napigilang itanong ng medyo kumalma siya.


"It's not intentional, Lizzie. It's just that we feel hurt because we love them. Kung walang value sa atin ang isang tao, kahit ano pa ang gawin nito sa atin, hindi natin masyadong dadamdamin. Hindi natin kasi matanggap na mahal natin ang isang tao tapos magkakamali sila sa atin. We expect to much from the person that we love kaya ganoon." Mahabang paliwanag ni Menchie. This time, sang-ayon na siya sa kanyang Ate Menchie.

"Siguro nga, Ate. Siguro nga." Sagot niya habang tumatango-tango sa kapatid. Somehow, she's happy na naandito palagi sa tabi niya si Menchie. Kahit half-sisters lang sila, buong-buo ang love nila sa isa't-isa.


________________________________________


A/N:


Sana po help me plug this story. Thank you po!

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon