Chasing 47

2.2K 67 9
                                    

A/N:

Salamat po sa VOTE & COMMENT ninyo. Lalo na sa mga madalas magcomment sa akin. Hanggang Chapter 55 lang po ito. Kaya paramdam na po kayo.

Paki share din po sa iba. Thank You!

_____________________________________________

CHASING 47

PAGKAKASUNDO

Lumipas pa ang ilang linggo. Patuloy lang sina Lizzie at Whimper sa kanilang mga advance class. 2 days to go at Christmas Break na nila. Pero bago iyon ay Christmas Party muna syempre.


At sa mga nakaraang linggo, patuloy lang si Lizzie sa pagsunod-sunod kay Whimper. Madalas ay nakikita niyang napapakunot ang noo ni Whimper kapag nagtatama ang kanilang paningin. Marahil ay nagtataka ito na kahit saan siya tumingin, mukha ni Lizzie ang nakikita nito.

Pero salamat na rin sa advance class nila at medyo naging komportable na sila sa isa't-isa. Hindi na sila nagtatalo. Kaya mas nakakagawa na siya ng paraan para sumama at makita ito. Kung saan kasi naandun si Whimper ay nakasunod si Lizzie. Kung dati ay hindi naman siya lumalapit, ngayon sinusubukan niyang lagi silang magkaharap at magkasama. At kung hindi naman, sinisiguro niyang tanaw niya palagi kung anong ginagawa ni Whimper. Kaya naman minsan, kahit anong tago nito, nakikita pa rin niya ito.

Sumusunod siya kasi gustong-gusto niyang nakikita ang gwapo nitong mukha. At nasasaktan siya sa tuwing may mga umaaligid ditong mga babae. Pero kahit ganoon, hindi niya mapigilan ang sarili. Hindi mawala ang interest niya sa whereabouts nito, sa pinagkakaabalahan nito, at lalo na sa lovelife nito. Para lang siyang nanunuod ng isang drama sa tv na araw-araw sinusubaybayan kung ano ang developments sa Sam-Whimper love team. Kaya nagdesisyon siyang ibaba  na ang kanyang pride at mas makipag-lapit dito.

At base sa kanyang mga pagsunod, napapansin niyang nagiging close na talaga ang dalawa ni Sam. Hindi tulad dati na parang napipilitan lang si Whimper. Ngayon kasi, nakikita niyang humahalakhak at ngumingiti na ito kapag kasama si Sam. Mukhang nakapag-move-on na ito. Pero bakit siya hindi pa? Parang naoobsessed na nga ata siya dito.

Hindi tulad ng ibang babae kasi na kaya niyang i-threaten si Sam. Hindi niya ito kayang pagsabihan ng harap-harapan na iwasan ang pagbuntot kay Whimper. Hindi tulad ng iba na kaya niyang takutin na matatanggal sa school kapag nagpapansin pa ito kay Whimper. Kasi nga, alam niya na walang makakapigil kay Sam kapag ginusto nito. Hindi nga nito inintindi ang matagal nilang friendship over Whimper eh. Kaya naisip niya, 'tutal hindi ko kayang labanan ang pagmamahal ko sa kanya, babantayan ko na lang siya kay Sam.'


Katatapos lang ng klase nila ngayon para sa acceleration. Nag-aayos pa lang siya ng gamit ng biglang tumayo na si Whimper at lumabas ng room.


"Whimper, sandali." Tawag niya habang lakad-takbo at inilalagay ang isang textbook niya sa bag na dala.

Hindi naman ito huminto. Bagkus ay patuloy ang malalaking hakbang palabas ng building. Kaya ang ginawa ni Lizzie ay tinakbo na talaga niya ito. Nagtagumpay naman siyang abutan ito.


"Whimper, sandali." Tawag niya dito habang hawak ang siko nito kaya napahinto ito sa paglalakad.

Blangko ang expression nito ng humarap sa kanya. "Bakit?" Tanong nito sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya. Humarap na itong tuluyan sa kanya.

Dug..


Dug..


Sa tuwi na lamang nagtatama ang kanilang paningin, palagi na lang ganito ang nangyayari sa kanya.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon