Chasing 11

2.8K 70 12
                                    

A/N:

Sorry po for the late update. Busy po ang inyong author eh. Bawi na lang po ako sa undas. Anyways, thank you po sa lahat ng nagVOTE at nagCOMMENT last chappy. Please continue giving your votes and comments kasi nakakataba po ng puso kapag nalalaman ko kung anong tingin ninyo sa kwento ko.

_________________________________________

CHASING 11

 NILALAGNAT


"Lizzie... Lizzie... Gising! Lunch time na...." Mahinang tapik ni Dave ang pilit na gumigising sa kanya dahil tanghalian na daw. Pero hindi niya magawang sumagot dahil ginaw na ginaw ang pakiramdam niya!

"Lizzie... Lizzie! Ang taas ng lagnat mo! YAYA!!!" At tinawag ni Dave ang kanyang Yaya. Nagpapanic ito dahil nang mahawakan siya ay nag-aapoy siya ng lagnat.

"Lizzie, dadalhin kita sa doctor. Ang taas ng lagnat mo. Nasaan ba ang celfone mo?" Tanong nito sa kanya habang dinadagdagan ang patong ng kumot sa nanginginig niyang katawan.

Sobrang nag-aalala si Dave kasi nang lumabas naman siya kanina, pagkatapos niyang mapatulog si Lizzie, ay medyo mababa na ang lagnat nito. Nalibang lang siya sa paglalarong Wii sa playroom eh pagbalik niya, nag-aapoy na siya ng lagnat.

"Ano po iyon, Sir Dave?" Tanong ni Yaya pagkatapos marinig ang sigaw ni Dave sa pangalan nito.

"Ipaghanda mo nga ng gamit si Lizzie, at magbihis ka na rin. Pupunta tayo ng hospital. Sobrang taas ng lagnat ni Lizzie!" Sabi ni Dave habang nakasalpak sa tenga ang cp ni Lizzie. Tinatawagan nito ang parents ni Lizzie habang nakadantay ang kalahati ng katawan sa kanya para magbigay ng dagdag na init. Nanginginig pa din kasi talaga ang dalagita.

"Opo, Sir Dave!" At agad na tumalima ang Yaya para iayos ang mga kailangan ni Lizzie. 

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon