CHASING 56
ANG AKING MAHAL
Napabuga si Lizzie ng hangin na tanging naging ingay sa sobrang katahimikan ng paligid. "Si Dave ang gusto ko..." Medyo nanginginig pa ang kanyang boses ng sinabi niya. Umiiling na hindi makapaniwala si Whimper. Napaatras ito kaya nabitawan ang nanlalamig niyang kamay.
Napangiti si Dave at agad siyang niyakap ng mahigpit. "Salamat, Lizzie! Sabi ko na nga ba eh. Hindi ka magsisisi sa desisyon mo. Maraming salamat." Tuwang-tuwa ito.
Nakita niya ang unti-unting pagpatak ng luha ni Whimper. Hindi nito napigilang umiyak dahil sa sobrang sakiit ng naramdaman nito.
"Eh di hanggang dito na lang pala ito? Sana maging masaya kayo.." At dahan-dahan itong tumalikod na puno ng kalungkutan ang mukha. Ang puso niya tuloy ay parang kinukurot ng pinong-pino.
Kabaligtaran naman ng kay Dave. Sobrang saya nito na halos hindi na siya makahinga sa higpit ng yakap nito. "Mahal na mahal kita, Lizzie." Masayang sabi nito habang inilalapit ang mukha para halikan siya sa labi.
Alertong naitulak niya ito palayo sa kanya. Agad siyang lumapit sa palabas ng si Whimper at hinila ito sa braso pabalik sa loob ng aircon part ng canteen. Pagharap sa kanya ay biglang bumigat ang kanyang dibdib. Basang-basa ang mukha nito ng luha.
"Lizzie, pabayaan mo na si Whimper." Awat sa kanya ni Dave.
Napikit ng mariin si Lizzie ng humarap siya kay Dave. "Gusto kita, Dave dahil mabuti kang kaibigan. Gusto kita dahil mabait ka at magalang. Gusto kita dahil magaling ka sa sports, hindi lampa, at marunong makipag-suntukan. Gusto kita dahil gwapo ka din at matalino. Gusto kita dahil sa tuwing kailangan ko ng masasandalan, naandiyan ka para sa akin." Mahabang litanya niya ng mga rason kung bakit guso niya si Dave.
Ngiting-ngiti naman si Dave. "Salamat sa mga papuri, Lizzie. Salamat at gusto mo ako. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita." Tuwang-tuwang sabi nito.
"Ano pang ginagawa ko dito, Zacarias? Kailangan ba talagang maging witness pa ako ng lambingan ninyo?" Iwinaksi ni Whimper ang kamay niyang kanina pa pala nakahawak dito.
"Teka nga! Hindi pa ako tapos!" Singhal niya sa dalawa.
"Ano pa bang kailangan kong marinig?" Basag ang boses ni Whimper. Pinunas pa nito ang luha sa laylayan ng uniform nito.
"Gusto kita Dave, sino ba namang hindi magkakagusto sa iyo?" Ngumiti pa siya dito ng may halong pait.
"...Pero si Whimper ang mahal ko. Mahal ko siya dahil mahal ko siya!" Nakangiting baling niya kay Whimper.
BINABASA MO ANG
The Chase
Teen Fiction"Hinahabol ko siya, hinahabol mo ako, sinong humahabol sa iyo? Nobody! Mahal ko siya, mahal mo ako, sinong nagmamahal sa iyo? Meroon ba?" Ito po ay kwento nang pagmamahalan na walang kasiguruhan. Isang Nerd (Myungsoo) na umibig sa isang Miss Perfect...
