A/N:
Thank you sa VOTES. Salamat sa comments nina: @Riiinnn, @ShanicaFajardoDeruda, @BheybichingCanales, @czarmin, @JuanNe15, @my_mich, at @iiadannah.
At sa lahat ng readers, thank youuuu!
________________________________
CHASING 30
MARRIAGE BOOTH
Naputol ang muni-muni niya ng bigla siyang hilahin ng mga kaklase ng Ate niya. Sa sobrang dami ng humila sa kanya at tumutulak sa kanya ay napasunod na lang siya."Saan ninyo ako dadalhin?" Tanong niya habang patuloy ang hila sa kanya. Pero this time, hindi na sila 5. 2 na lang ang humihila sa kanya.
"Marriage booth." Ang nakangising sagot sa kanya ni Ate Jasmine niya, kaibigan ng Ate niya at kaklase."Ha?" Pero bago siya makaangal ay nasalubong nila sina Whimper na may humihila din.
Dug..
Dug..
Kay Whimper ba siya ikakasal? OMG naman! Hindi man lang siya nakapag-make-up. Charot! Nagtama ang kanilang tingin. Natigilan sila parehas sa paghakbang. Parehas awkward ang feeling.
"Tara na!" At saka lang naghiwalay ang kanilang tingin ng hilahin na ulit siya nina Jas papasok sa booth.
Sinuotan siya ng wedding gown sa ibabaw ng batch-shirt at shorts na suot niya. Napangiwi pa nga siya ng maamoy ang moth balls sa gown na iyon. Pero ayos lang! Basta maikasal-kasalan lang kay Whimper, ok sa kanya kahit amoy ataul pa iyon.
Pagkatapos ay isiningit sa kanyang naka-pony na buhok ang korona. Nakakabit sa korona ay belong puti. Shemay gulay, pinipigil niya ang mapangiti. Kinikilig siya na for one hour ay magiging si Mrs. Becher siya. Bata pa sila, pero kilig talaga!Namamawis ang mga palad ni Lizzie. Kabado talaga. Parang sa buong stay niya dito sa eskwelahan ng family nila, ngayon niya talaga na-enjoy ang intrams. Parang gusto niyang bigyan ng gintong trophy ang klase nina Ate niya, dahil sa naisip ng mga itong Marriage Booth na ito.
(A/N: Nasa multi-media box si Lizzie habang kinakabahan ---->>>)"Ready?" Tanong ng isang kaklaseng lalaki nina Menchie.
"Yes." Nakangiting sagot ni Jas na isa sa mga nag-ayos sa kanya.
Palabas na sila ng booth. Dadalhin siya sa isang bakanteng room. Doon ata sila pipirma ni Whimper ng kanilang Marriage Contract.
'Ngayon lang ito!' Bulong ng white angel niya. Kaya aalisin muna ni Lizzie ang bad vibes at pakikipag-deadmahan kay Whimper. Just this once, gusto niya muling maramdaman ang saya.Palabas na siya kasama ang mga escort niya kuno, na mga staff ng booth. Ang kilig niya at maluwang na ngiti ay napaltan ng simangot at kaba. Bakit nakasalubong din niya si Sam? Ngumisi pa ito sa kanya. Mukhang bibihisan din ito tulad niya.

BINABASA MO ANG
The Chase
Teen Fiction"Hinahabol ko siya, hinahabol mo ako, sinong humahabol sa iyo? Nobody! Mahal ko siya, mahal mo ako, sinong nagmamahal sa iyo? Meroon ba?" Ito po ay kwento nang pagmamahalan na walang kasiguruhan. Isang Nerd (Myungsoo) na umibig sa isang Miss Perfect...