Chasing 48

2.2K 70 6
                                        

A/N:

Salamat sa lahat ng nagCOMMENT at nagVOTE! Thank you po! Kaya nga po THE CHASE dahil sa walang sawang habulan. Bata pa po ang ating mga bida kaya hindi pa sila firm sa mga decisions nila.

_________________________________________

CHASING 48

KUNDISYON NI WHIMPER

Sa tingin ni Lizzie ay hindi maganda ang gising ni Whimper kinabukasan. Hindi na naman siya nito tinatapunan ng tingin kahit na magkasalubong sila. Wala naman siyang natatandaan na pinagtalunan nila para magkaganito ang mga bagay.

Nakasalubong niya kasi ito sa corridor at hindi man lang siya tiningnan at binati. Diretso lang itong naglakad kasama ang circle of friends nito (o admirers?), habang siya naman ay nakatingin dito malayo pa lang habang kasama niya ang mga admirers niya.

'What's with the cold treatment again?' Tanong niya tuloy sa sarili niya.

Kaya sinamantala niya ang pagkakataon habang 20 minutes before time pa sila. Pinasok niya si Whimper sa second section. Madami ang mga nagulat sa mga dati niyang kaklase doon. Pero kung sila nagulat, mas nagulat siya. Naabutan niya si Whimper na napapalibutan ng mga pacute nitong admirers habang nakaupo ito, while si Sam ay nakaupo sa arm rest nito.

Gusto na sana niyang umatras dahil sa hindi magandang tanawin. Pero nagdesisyon din siya na kailangan talaga nilang mag-usap. Kaya nilapitan pa rin niya ito. Nagulat na rin ito ng malingunan siyang nakatayo sa harap nila.

"Whimper, can we talk?" Seryosong tanong niya.

"Tungkol saan?" Sagot naman nito ng makabawi na sa pagkagulat sa presensiya niya.

"I'll tell you if you step outside." Sagot niya habang pigil ang inis.

Medyo natagalan pa itong mag-isip. Lalo tuloy siyang napipikon. 'Bakit kailangang pag-isipan pa?' Tanong niya sa sarili. 

"Dito na kayo mag-usap, Monaliza." Singit ni Sam. 

Lalong nagsalubong ang kilay niya. Hindi siya makapaniwala na ang tawag na ngayon sa kanya ng dati niyang kaibigan ay Monaliza! Ang laging tawag nito sa kanya ay Lizzie. Pero pinigil niya dahil nangako siya kay Whimper na hindi na makikipagtalo dito.

Kaya hindi niya na lang ito inintindi. "Pwede bang mag-usap tayo?" Ulit niya sa tanong niya.

Nakatitig pa rin ito sa kanya na parang hindi malaman kung anong isasagot. "Please?" Pakiusap tuloy niya. Hindi siya makapaniwala na kailangan pa niyang makiusap ngayon dito.

Tumayo naman si Whimper at sinundan niya palabas ng classroom. At nang nakaupo na sila sa bench sa tapat ng room ng mga ito ay saka siya nagtanong.

"May problema ba tayo?" Panimula niya.

"Wala." Simpleng sagot nito.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon