A/N:
Salamat po sa bumati kay Tope! Thank you po! Salamat din po sa mga ngCOMMENT at VOTE. Thank you po!
____________________________________________
CHASING 53
DATE SA PARK
"Halika na." Yakag ni Whimper kay Lizzie. Inalalayan pa siya nito pababa ng tricycle. Ito na rin ang nagbayad ng pamasahe nila.
"Anong gagawin natin dito? Nakatirik pa ang araw, ang init-init eh." Reklamo ni Lizzie kay Whimper.
"Tatambay, uupo, o kaya maglalaro tayo dito.... Doon tayo oh." Inginuso nito ang parteng may malaking mga puno at may swing and seesaw pa sa ilalim ng shade ng trees. Kinuha nito ang kamay ni Lizzie at hinila na siya papunta doon.
Hindi naman siya umangal pa. Tutal deep inside her ay gusto niya ring makasama si Whimper. Inalalayan pa siya nitong umupo sa swing.
"Whimper, lagot tayo nito kay Mama. Kapag nalaman noon na nag-cutting tayo, lagot tayo." Sabi niya habang si Whimper ay nasa likod niya at inuugoy-ugoy siya.
"Gusto mo na bang bumalik tayo?" Halata sa mata nito ang pag-aalala sa magiging sagot niya. Napalunok muna siya. Naisip niyang, 'hindi naman siguro masama kung magpapaka-honest ako.'
Umiling-iling siya. "Hindi. Ako na ang bahalang magpalusot." Sagot niya dito. Minsan na nga lang ulit sila magkasarilinan, magpapakipot pa ba siya, di ba?
"Mabuti kung ganoon." Masiglang sagot nito.
Itinulak nito ng konti ang hita niya at tumabi sa kanya sa swing. Umupo ito facing the other side. Kumbaga, magkatabi sila pero magkatalikuran ng harap.
"Bakit mo nga pala hinahabol si Rave kanina?" Maya-maya'y tanong ni Whimper sa kanya. Sumandal pa ito ng bahagya sa chain sa gilid nito.
Biglang lumungkot ang kanyang mukha. Naalala niya ang nangyari kay Rave kanina. Importante sa kanya ang pakikipag-kaibigan nito. Nagsisisi tuloy siya at hindi niya nabigyan ng tamang timing ang lahat."Binasted ko kasi." Diretsahang sagot niya habang nakatingin sa kawalan sa harap. Ang gaganda ng bulaklak na pumapalibot sa lugar na iyon. May mga paru-paru pang palipad-lipad. Habang ang pwesto nila ay malamig kahit katanghaliang tapat. Ang lalaki kasi ng shades ng mga puno.
"Binasted mo na si Rave?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
Alam niyang hindi niya dapat ipagkalat ito. Pero malaki naman ang tiwala niya kay Whimper na hindi ito magdadaldal. "Oo eh." At napangiwi siya ng maalala niya ang reaction ni Rave kanina. Feeling niya tuloy ay ang sama niya.
"Ang buong akala ko ba ay gusto mo siya?" Tanong nito.
Napalingon tuloy siya sa katabing si Whimper. "Bakit mo naman naisip iyon?" Nakakunot pa ang kanyang noo.
"Eh kasi crush mo iyon noon pa man, hindi ba?"
"Alam mo, iba ang crush sa love."
"Bakit ano bang pinagkaiba noon?" Halata sa mukha nito na naguguluhan sa sagot niya.
"Crush ay paghanga. Pwedeng madami ka noon, pero ang love, dapat isa lang iyon." Paliwanag niya dito.
Tumango-tango ito. "Ahhh.. Eh Lizzie, sino bang mga crush mo?" Mausisang tanong nito.
Dug..
Dug..Kinakabahan siya. Sasabihin ba niya?
BINABASA MO ANG
The Chase
Teen Fiction"Hinahabol ko siya, hinahabol mo ako, sinong humahabol sa iyo? Nobody! Mahal ko siya, mahal mo ako, sinong nagmamahal sa iyo? Meroon ba?" Ito po ay kwento nang pagmamahalan na walang kasiguruhan. Isang Nerd (Myungsoo) na umibig sa isang Miss Perfect...