Chasing 17

2.8K 80 7
                                    

A/N:

Thank you po kina: @AngelAndreaReyes, @BheybichingCanales, @jecdungan, at my_mich. At sa mga 9 voters, Thank you!


_______________________________

CHASING 17


SACRIFICE


"Paano mo naman ako poproteksyunan kung ikaw ang nagbibigay ng dahilan para masaktan ako?" Tanong ni Lizzie kay Whimper. Hindi siya nakapag-react sa sinabi nito. Dahil alam niyang medyo may point ito sa tanong nito.


"Hindi kita maintindihan, Whimper. Hindi ka consistent. Ang akala ko, ayos na tayo. Pero anong ginawa mo?" Sumbat pa ni Lizzie na parang maiiyak na.

"Huwag na muna nating pag-usapan. Baka makasama sa iyo. I'm sorry for bringing this topic." Saway niya dito. Alam niyang sumasama ang pakiramdam nito ngayon sa pinag-uusapan nila.

Hindi siya inintindi ni Lizzie at bagkus ay nagpatuloy ito. "Ang sabi mo, iiwasan mo si Sam? Pero bakit......" Huminto muna ito at napakagat labi. Halatang pinipigil ang maiyak.


"Tama na. Saka na natin pag-usapan." At hinaplos niya ang braso ni Lizzie para pakalmahin ito.


Hinawi nito ang kamay niya at ipinagpatuloy ang sinasabi. "....bakit noong linggo, magkasama kayo? Alam mo ba, Nerdie kung ilang oras akong nag-antay sa iyo?"


"Sorry." Tanging nasabi niya.


"Ang gulo-gulo mo! Para akong yoyo na hihilahin mo palapit sa iyo, tapos itutulak mo palayo." At pinunasan na ni Lizzie ang luhang tumulo sa pisngi nito. Ito na nga ba ang dahilan ni Rave kung bakit ayaw siyang palapitin kay Lizzie eh.


"Sorry. Hindi ko sinasadya..."

"Pinag-isipan ko at patuloy na iniisip kung talaga bang truthful ka pa sa words mo. Ang gulo! Nakakahilo!" At sunod-sunod na ang pagpahid mg luha ni Lizzie.

"At kaya siya nagkasakit, hindi na niya namalayang babad na siya sa ulan." Singit ng boses na kilalang-kilala niya.

"Kuya?" Hindi nila namalayang dumating na pala ito para dumalaw.

"Dave, tama na.." Naluhang saway ni Lizzie sa kapatid niya.

Lumapit si Dave sa kanila. Tumabi naman agad ito sa tabi ni Lizzie para patahanin ito. "Iniuwi ko siya at hindi alintana ang mabasa kami ng ulan. Nagkasakit si Lizzie dahil sa sobrang babad sa ulan dahil sa kakaisip sa iyo." Seryosong sabi ni Kuya niya sa kanya.

Pinunasan ni Dave ang mga luha ni Lizzie sa mata. Bakit ba ganito na ang sitwasyon? Sa tuwing hindi sinasadya niyang paiyakin si Lizzie, ang kanyang Kuya, ang isa sa Knight in Shining Armor nito, ang nagpapatahan dito?

Hindi gustong makialam ni Dave, pero panahon na para matauhan si Whimper. Para magising siya sa pananakit ng hindi sinasadya kay Lizzie.

Umiling-iling si Whimper habang namumula na ang mga mata. "Hindi ko alam...Sorry! Hindi ko sinasadya.." Nabasag na ang boses niya ng sinabi iyon.

"Kaya nakikiusap ako sa iyo, Nerdie. Tigilan mo na ito. Tigilan mo na ako. Huwag mo akong paasahin na magiging maayos ang lahat. Ginagawa mo akong saranggola na hihilahin mo, tapos bibitawan din agad. Huwag ka nang maging mabait, kung ang totoo ay sasaktan mo din ako." At humilig na ito kay Dave. Pinatatahan naman ito ni Kuya niya.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon