Chasing 16

2.9K 78 7
                                    

A/N:


Thank you po sa mga patuloy na nagVOVOTE at nagCOCOMMENT! Salamat sa mga nagComment last chappy na sina: @ming07, @hayz_rocks22, @BheybichingCanales, @GeLaiiYuu, @JuanNe15, @cocobash, @AngelAndreaReyes, at @my_mich05.


______________________________

CHASING 16


CONCERN?

Tahimik na lamang na nagbasa ng libro si Whimper sa tabi ng kama ng natutulog na si Lizzie. Tumawag ang Mama Ria ni Lizzie at sinabing baka hapon pa ito makabalik. Busy nga kasi ito sa pakulo sa school nila. Si Papa Tope naman ni Lizzie ay nasa out of town. Pauwi na rin daw ito maya-maya. Si Menchie ay nasa school pa.

Napaangat ang paningin ni Whimper nang ipasok na ang tray ng pagkain para kay Lizzie. Pagkaing rasyon ng hospital para sa mga pasyente. Saka lang niya napansin na 11:30am na. Ipinatong lang ng Ale ang food tray sa side table at lumabas na.


Tumayo siya at mahinang tinapik si Lizzie. Mukhang mahimbing itong natutulog. "Lizzie, gising na. Kumain ka na ng tanghalian." Pilit niyang paggising sa dalagita.

"Hmmm..." At gumalaw ito ng bahagya pero nanatiling pikit ang mga mata.

"Lizzie, gising na.." At tinapik niya muli ito. Tapos ay kinapa niya ang noo nito. Mainit na mainit si Lizzie!


At dahil nasa hospital naman, alam niyang hindi kailangang magpanic. Pero tinawag niya agad ang nurse at sinabi ang kondisyon nito.

"Sir Whimper, painom lang po natin ito." Magalang na sabi ni Nurse Fi sa kanya. Dala-dala nito ang 3 piraso ng pildoras para kay Lizzie.


"Sige." At lumapit siya muli sa kama ni Lizzie. "Lizzie, gising na. Paiinumin ka namin ng gamot." Tinapik niya ang pisngi nito para magising na.

Nagmulat naman ng mata si Lizzie. Mukha ngang mataas ang lagnat nito dahil ang mga mata ay malamlam. "Whimper..." Banggit nito sa pangalan niya.


"Lizzie, iinom ka ng gamot ah?" At inalalayan niya itong mai-angat ng bahagya ang ulo para hindi mahirinan sa capsulang dala ng nurse.

Isinubo naman ni Fi ang gamot sa bibig nito. Siya naman ay nakaalalay ang isang kamay sa ilalim ng ulo nito, para makainom ng ayos ng medicine. Awang-awa siya sa kalagayan nito.

"Lalagyan ko po siya ng bulsa de yelo." At inilagay ni Fi ang yelo sa noo ng dalagita. Umupo na lamang siya ng maihiga ng ayos si Lizzie. Pinanuod na lang niya ang nurse sa ginagawa nito.

"Ang ganda naman ni Ms. Zacarias." Puri ni Nurse habang hawak ang yelo sa noo ng dalagita. "Ano bang type mo sa babae?" Out of the blue ay tanong ni Fi.


Napakunot ang noo niya. 'Anong kinalalaman ng tanong ni Fi sa kalagayan ni Lizzie?'

Nakita niyang nagmulat ng mata si Lizzie matapos magtanong ni Fi. Sumulyap ito kay Fi at tumingin na sa kanya. Base sa itsura nito ay hinihintay rin ang isasagot niya.


"Nothing in particular. Basta kumakalabog lang ito." Simpleng sagot niya na itinuro pa ang tapat ng puso niya. Sinagot niya si Fi, pero kay Lizzie siya nakatingin.


"Talaga? Ibig sabihin ay hindi ka pihikan?" Nakangiting tanong ni Fi sa kanya. Feeling tuloy ni Lizzie ay sinasamantala ni Fi ang pagkakataon to hit on Whimper.

"Magiging pihikan pa ba ako? Tingnan mo naman ang itsura ko." Sagot niyang napangiti sa tanong ni Fi.


Napangiti naman ito. "Ibig sabihin, may chance na magustuhan mo ako?" Nagulat siya sa tanong ni Fi. Masyado itong aggressive!

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon