Chasing 25

2.5K 70 11
                                    

A/N:


Salamat sa walang sawang sumusuporta. Thank you po!


______________________________________________

CHASING 25


I LOVE YOU, GOODBYE!

Halos pigil ang hininga ni Lizzie nang marinig ang tanong ni Menchie. Napakapit tuloy siya ng mahigpit sa siko ng katabing si Rave. Tinap naman ng marahan ni Rave ang kamay niyang nakakapit na para bang sinasabing everything will be alright.


Tulad ni Lizzie, ang lahat ay nag-aabang at pigil ang hininga na nakatingin sa kanilang dalawa ni Whimper. Ang tanong ba naman kasi ay...


"Sino sa grupong ito ang crush mo? Pwede bang halikan mo sa pisngi ang crush mo?" Nakangiting tanong ni Menchie. Ang napili kasi ni Sam ay dare. Walang kaalam-alam si Menchie sa present na status ng nangyayari sa tatlo. Kina Lizzie, Sam, at Whimper.

Napalunok si Sam. Tumingin sa gawi ni Lizzie na tumagilid ng harap ng mukha at nakakapit ng mahigpit kay Rave. Napaisip tuloy ito, 'sasabihin ko ba?' At nang tumingin siya ni Whimper, parang sambakol ang mukha nitong nakatingin sa bote sa gitna. Nakakunot lang ang noo nito.

"Sam, iyong totoo ha..." Nakangisi pang sabi ni Menchie.

Napaawang ang bibig ng lahat ng dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa mukha ni Whimper. Umiwas naman ito ng tingin halatang ayaw magpahalik. Pero mukhang isa lang ang tumatakbo sa isip ni Sam. Ang sabihin ang totoo sa mga kaharap.


Nanglaki ang mga mata ni Whimper na hilahin niya ang baba nito at iharap sa kanya. Pagkatapos ay....

"Mwuahhh..." Nag-smack siya sa labi ng binata!


Biglang naningkit ang mga mata ni Menchie. Napahawak naman siya sa bibig. Kahit expected na niya na hahalikan nito si Whimper, pero hindi niya akalaing sa lips!


"Anong ibig....." Naputol ang tanong ng kanyang Ate sa dati niyang kaibigan.


"Crush ko siya, Ate. Sorry!" At nag-peace sign ito.

Halata ang inis sa mga mata ni Menchie. Naiinis ito kay Sam, pero mas naiinis ito kay Whimper na hindi man lang nagreact ng halikan ni Sam. Ang tanging ginawa nito ay nagkuyom lang ng kamao. Pero ang reaction ni Lizzie ang nakakaawa sa lahat. Napapikit na lamang si Lizzie ng mariin at mariin din ang hawak sa siko ni Rave.


"Next na!" Ang sigaw ng isa sa fourth year na kasali din sa SBO. Kaya walang nagawa ang nagulat na si Menchie kundi ang paikutin ang bote. Habang ang mga mata nitong kanyang kapatid ay nag-aalalang nakatingin sa kanya.


Si Rave! Eksaktong si Rave ang natapatan ng bote. At ayon sa rules, kung sino ang huling natapatan ng bote, siya ang magtatanong.


"Truth or Dare?" Nakangising tanong ni Sam. Parang siya lang ang nakuhang ngumiti at ang ilan sa kanilang mga kagrupo.

"Truth." Sagot ni Rave habang ang isang kamay ay nakahawak sa kamay ni Lizzie na nasa siko nito. Kahit hindi ito magtanong, ramdam nito ang sakit na naramdaman niya ng halikan ni Sam si Whimper.


"Lagi kayong nakikitang magkasama ni Lizzie sa campus. Gusto mo ba siya?" Tanong ni Sam na titig na titig kay Rave na parang dine-dare pa si Rave na magsabi ng totoo.

Sumulyap sa kanya si Rave at tinap muli ang kamay niya. "Oo. Gusto ko si Lizzie. At liligawan ko siya kung pwede lang." Seryosong sagot nito kay Sam pero sa mga mata niya nakatingin.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon