Chasing 50

2.4K 75 8
                                    

A/N:

Sorry po ang daming typos ng Chasing 49. Paki read naman po ulit at naayos ko na po. Sorry! Salamat nga po pala sa dalawang tanging nagcomment na sina: @my_mich & @czarmin. Please continue VOTING AND GIVING YOUR COMMENTS! Thank you, guys!

Paki read din po ang bago kong story THE STAR http://www.wattpad.com/story/10828030-the-star na nasa external link po ---->>>

_______________________________________

CHASING 50

AWAY AT SELOS

"Halina kayo at kakain na." Yaya sa kanila ni Aling Ne.

"Tara, Lizzie!" At naglahad pa si Dave ng kamay sa kanya para tumayo na siya.

Naunang pumunta ang kambal sa dining area. Kasunod sila ni Dave. 'Ang dami ngang handa ng mga Becher!' Pero hindi niya napigilan ang sariling magtanong. "Si Whimper po?" Tanong niya kay Aling Ne.

"Ay oo nga pala! Jan, tawagin mo na si Kuya mo at sabihin mong kakain na." Utos naman ni Aling Ne kay Jan.

Tumayo si Jan at lumapit sa kanya. "Ate, samahan mo ako." Pakiusap ng cute na batang babae.

"Huwag na. Ikaw na lang." Kontra ni Dave sa sinabi ng batang si Jan.

"Ok lang, Dave." Nakangiting sabi niya kay Dave. "Halika na." At tumayo siya at sumama na kay Jan.

Nagtataka siya ng lumabas sila ng bakuran. Ang buong akala niya ay nasa loob lang ng bahay si Whimper.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya sa batang kahawak kamay ngayon.

"Nasa kanto si Kuya Whimper, Ate. Naglalaro sa half court." Nakangiting sagot ni Jan.

Sumunod na lang siya sa hila sa kanyang direction ni Jan. Hindi naman kalayuan dahil nakita niya din naman agad ang court na sinasabi nito.

"KUYA!" Matinis na sigaw ni Jan ng makita ang kapatid na kasalukuyang nasa gilid at kausap ang mga iba pang teenagers. Mga kalaro siguro nito. Pawis na pawis ito at mukhang tapos nang maglaro. Pero magkaganun man, gwapo pa rin ito sa paningin niya. Kung pwede lang na siya ang magpunas ng pawis nito, ginawa na niya.

Nagulat ito ng makitang kasama siya ni Jan. Lumapit agad ito sa kinatatayuan nila habang umiinom ng mineral water sa bote. "Bakit naandito ka?" Nagtatakang tanong nito.

Bubuka na sana ang bibig ni Lizzie pero naunahan siya ni Jan. "Inimbita siya ni Kuya Dave sa birthday namin." Bibong paliwanag ni Jan sa kapatid.

Tinitigan siya ni Whimper sa mata. "Inimbita ka ni Kuya?" Tanong nito na parang napasimangot.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon