Chasing 8

3K 99 16
                                    




A/N:




Thank you po sa votes at comments. Lalo na sa COMMENTS nina: @jecdungan, @ericka_02, @rose2711, @cocobash, @AngelAndreaReyes, @my_mich05, @BheybichingCarales, at @JuanNe15.

Salamat po sa walang humpay na suporta! Thank you po. 







_________________________________







CHASING 8




I Love You, but....



Ang lahat ay nag-aantay ng sagot ni Whimper. "Why are you doing this, Whimper?" Inulit ni Lizzie ang tanong. Titig na titig ito sa kanya. Pinagpawisan lalo si Whimper sa tanong ni Lizzie.








Kumurap-kurap si Whimper. 'Ang hirap ng nasa hotseat ah?' Naisip niya habang hinubad ang salamin at pinunasan ang lens noon. Hindi niya nga rin maunawaan ang sarili niya. Hindi niya masabi na nagseselos nga ata siya. Baka pagtawanan siya ng mga taong nasa harap niya.










Bubuka na sana ang bibig niya ng marinig nila ang pagsigaw ni Jon. "KUYAAA!" Matinis na sigaw nito. Lahat sila tuloy ay napalingon sa mga bata. Nakita nilang umiiyak si Jan habang sinusubukang i-comfort ng kambal nito.










"Whimper, si Jan!" At nauna pang tumakbo para dumulog ang mas malapit na si Lizzie sa mga bata. Nagsisunuran sila sa pwesto ng kambal.









"Anong nangyari?" Naka-upo silang dalawa ni Lizzie para makapantay ang mga bata.








"Kasi Ate, itinulak siya noon oh. Kaya siya nadapa." Paliwanag ni Jon kay Lizzie. Itinuro nito ang isang bata na di hamak na matanda sa kambal. Parang mga 11-12 years old na.








"Huhuhu! Kuya, ang sakit." At hinihipan ng bata ang tuhod niyang may sugat. Pati naman ang kambal nitong si Jon ay naiiyak na din sa sinapit ng kakambal. Hinihimas nito ang likod ng batang babae.








"Halika na. Uuwi na tayo." At inalalayan nila ni Rave si Jan para makatayo.








"Kaya mo bang lumakad?" Tanong ni Rave sa bata.








"Masakit po, Kuya Rave... Huhuhu!" at umiyak pa lalo si Jan.









"Tumahan ka na. Sumakay ka na lang sa likod ko." At tumalikod siya para maka-piggyback ang kapatid na anim na taon.









Inalalayan naman ito ni Rave para makasampa ng ayos. Habang si Sam ay kinapitan na ang braso ni Jon at inaantay na lang silang lumakad pauwi.







At si Lizzie....










"Nasaan si Lizzie?" Tanong ni Sam.









Nahagip ng mata nila na pinapagalitan nito ang batang itinuro ni Jon kanina. Umiiyak na ang bata. Minsan talaga ay may pagkaisip bata rin itong si Lizzie. Patulan ba naman ang bata?







"Bakit ka nang-aaway ha?!" Narinig niyang galit na singhal nito sa bata.








Nilapitan naman agad niya si Lizzie. Hinila sa palad palayo sa bata. "Tama na iyan." Awat niya sa dalagita at hinila na pauwi sa kanila. Hindi naman kumontra pa si Lizzie. Pero bago umalis ay pinandilatan pa ang batang bully.








Napasunod na lang din sina Rave, Sam, at Jon sa kanila. Pero bago sila tuluyang makaalis ng park ay nasalubong nila ang kaibigan ng magulang ni Lizzie.








"Tito Lance..." Bati ni Lizzie at humalik sa pisngi noong Lance. May kasama itong sexy, maganda, at hindi katangkarang babae.








"Lizzie, sino sila?" Nakangiting tanong nito pero nakatingin sa kanilang magkakapit na kamay.





The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon