Chasing 18

2.6K 75 7
                                    


A/N:


Please VOTE and COMMENT po. Thank you po!

__________________________________


Chasing 18

LIKE ME, AGAIN


Two more days ang itinagal ni Lizzie sa hospital. Iba talaga kapag ang utak ang ayaw magpagana ng buong katawan. Totoo talaga ang kasabihang mind over matter. Nang dahil kasi sa huling pag-uusap nila ni Whimper ay nawalan na siya ng ganang magpagaling. Iba talaga ang nagagawa ng will power ng tao.

At sa huling araw niya sa hospital, medyo okay na siya. Mula tanghali ay hindi na siya nilalagnat. Kaya sure iyan na bukas makakalabas na siya!

Si Rave naman ang dalaw niya ngayong araw na ito. Mukhang hindi makakadalaw si Dave dahil ang sabi kay Lizzie ay busy daw muna sa school. College na kasi si Dave. Medyo mahirap din ang Dentistry.

Si Mama niya ay umuwi para iuwi ang iba nilang gamit. Kasama ang kanyang Ate na ang sabi ay magpapalit lang ng damit at siyang magbabantay sa kanya.

Nakatulala lang si Lizzie sa kawalan. Hindi niya pa rin matanggap ang nangyari sa relasyon nila ni Whimper. First love, first heartache.


"Lizzie, ano bang iniisip mo at tulala ka diyan?" Tanong sa kanya ng nakahalumbaba sa kama niyang si Rave.

"Wala naman." Pagkaila niya habang siya naman ay nakaupo sa ibabaw ng kama, at nakasandal sa headboard ng hospital bed.


"Common tell me. Si Whimper ba? Si Whimper ano?" Pangungulit pa nito sa kanya.

"H-hindi." Hindi niya man lang sinusulyapan si Rave, para hindi nito mabasa ang tunay na nararamdaman.

"I know that it's Whimper. Ano bang nangyari?" Tanong pa rin nito sa kanya.


Ayaw niya mang aminin, pero wala siyang magawa. Parang sasabog na ang dibdib niya sa bumabagabag sa kanya.


"Nag-usap na kami and tried to clear things out." Tinatamad na sagot niya. Kailangan niya din naman ng mapaghihingahan ng sama ng loob.

"Sa itsura mo, ay parang sinasabi mo na hindi naging maganda ang ending, hindi ba?" Tanong pa nito.


"Yeah. Siguro ito ang best way para sa amin." Wala pa ring emosyon na sagot niya na nakatingin pa din sa kawala.


"Lizzie, hindi mo kailangang malungkot ng ganyan. Nandito pa naman kami para sa iyo. At isa pa, pinanganak kang hindi mo siya kasama, so mabubuhay kang wala siya." Umupo na rin si Rave sa tabi ni Lizzie sa ibabaw ng kama. Tinap ang likod niya na para bang sinasabing, "Naandito ako para sa iyo."

"Pero Rave, sa maikling panahon, nakasanayan ko ng mabuhay ng kasama siya." At hindi na niya napigilang tingnan si Rave ng mata sa mata.

"Mabubuhay ka pa din ba ng kasama siya, kung pinapatay naman niya ang puso mo unti-unti?"


"Kahit masaktan ako Rave, basta ang mahalaga, siya ang kasama ko." At nagsisimula ng mamuo ang luha ko.


"Huwag ka ngang desperada! Ang daming nagmamahal sa iyo. Bakit mo kami isa-shut down? Bakit hindi mo buksan ang puso mo sa amin?" At pinisil pa ni Rave ang kanyang palad. Para bang sinasabing I'm here for you!

Napakagat labi siya at pinipigil na mapaluha. "A-alam ko naman. Pero siguro, gawa ng mura ko pang edad kaya hindi ko pa kayang ihandle ang feelings ko ng tama." Nabasag na ang tinig niya. Napatungo na lamang siya.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon