A/N:
Thank you po sa mga votes ninyo. Hindi lang po ninyo alam kung gaano pinapataba nito ang puso ko. Salamat din po sa walang sawang nagcocomment na sina: @AngelAndreaReyes, @cocobash, @my_mich05, @JuanNe15, at @BheybichingCanales. Salamat po!
_________________________________
CHASING 14
JUST LEAVE!Nilapitan ni Whimper ang naka-confine na si Lizzie. Napatingin siya mula sa swerong nakasabit, papunta sa kamay nitong may needle na naka-insert. Habag na habag siya sa itsura ng dating kasintahan.
Umupo siya sa gilid ng kama nito, opposite sa kinatatabihan ng upuan ni Sam. Nasa kaliwa si Sam, nasa kanan naman siya. "Lizzie, kumusta ka na?" Tanong niya kay Lizzie. Kung alam lang nito na gusto na niyang sunggaban ang dalagita ng mahigpit na yakap. Ilang araw niya lang itong hindi nakita pero miss na miss na niya.
Tinitigan niya ang mukha nito. Para bang pinag-aaralan niya kung ano bang ipinagbago nito ngayong may sakit. Hindi naman ito nag-abalang sagutin siya, bagkus ay nanatili itong nakapikit. Mariing nakapikit.
"Nilalagnat pa din siya." Sagot ni Sam na nakatingin sa kanya, pero hindi niya naman sinulyapan.
Idinampi niya ang palad sa leeg at noo ni Lizzie para matingnan kung nilalagnat nga ito. "Bakit ka ba nagkasakit?" Nag-aalalang tanong niya.
Napansin niyang mahigpit na itinikom ni Lizzie ang mga labi. Ayaw kasi nitong sumagot sa tanong niya. Kung alam lang niya ang tunay na dahilan kung bakit ito naka-confine ngayon. Mas minabuti ni Lizzie na tumagilid at talikuran si Whimper."Mukhang ayaw ka niyang makausap." Comment ni Sam. Hindi naman niya ito pinansin. Dumukwang siya sa nakatalikod na si Lizzie at sinilip ang mukha nito.
"May masakit ba sa iyo?" Tanong pa niya at hinaplos ang buhok nito.
"Whimper, hindi ka naman pinansin ni Lizzie, mabuti pang umuwi na tayo." Yaya sa kanya ni Sam.Naiirita na siyang marinig ang boses ni Sam. Kung bakit ba naman kasi kung kailan siya dadalaw ay nagkataon pang naandito na naman ito? Binigyan niya lang ito ng masamang titig.
"Lizzie, sorry noong sunday ha." Panimula niya habang nakadungaw pa din sa nakatagilid na si Lizzie."Oo nga. Sorry din pala at kami ang sabay sumimba." Dagdag pa ni Sam.
"Pwede bang manahimik ka?!" Ramdam niyang nagulantang si Lizzie sa pagsigaw niya, pero nanatili ito sa position nito.. Naiinis na kasi siya sa parang Mayna bird na si Sam. Si Sam naman ay napanganga. Ngayon lang siya nasigawan ni Whimper."Bakit ka ba naninigaw?" Naka-pout na sabi ni Sam. Imbis na maawa siya dito ay lalo siyang naiirita!
"Lizzie, babalik ako. Sandali lang." Paalam niya kay Lizzie at tinapik niya pa ang balikat nito. Hindi naman kumibo ang dalagita."Mag-usap tayo." Sulyap niya kay Sam at tinalunton na ang palabas ng kwarto ni Lizzie.
**Napadilat naman si Lizzie ng makalabas na ang dalawa. Nasasaktan siyang nag-uusap pa ang dalawa nang hindi niya naririnig.
'Ano kayang pinag-uusapan nila na hindi ko dapat marinig? Ang akala naman nila hindi ko alam na may relasyon na naman sila? Tss...' Naiinis siya sa iniisip niya. At pakiramdam niya, nagseselos na naman siya! Pumihit na lamang siya sa kabilang side ng bed.
"Dadalaw-dalaw pa ang dalawang iyon. At halos sabay pa talaga ha! Ay naku!!" Inis na inis na wika niya sa hangin. Feeling niya ay mas tumataas ang lagnat niya sa dalawang iyon.
**
SA LABAS:
"Bakit, Whimper? Uuwi na ba tayo?" Tanong ni Sam na ngiting-ngiti nang maisara ang pinto."Sam, pwede ba? Umuwi ka na nga! Dito lang ako at walang kasama si Lizzie." Singhal niya kay Sam.
Nagpout muli si Sam. "Eh di mamaya na rin ako." Nakangiti pang sabi nito.
"Pwede bang pagbigyan mo naman ang hiling ko? Umuwi ka na please? Konting konsiderasyon naman kay Lizzie, may sakit iyong tao."
"May sakit? Eh ano naman?""Hindi mo ba napapansin na mahirap na pagsamahin tayong tatlo sa iisang kwarto? Baka lalong mabinat si Lizzie."
"Ayoko! Aantayin kita. Hindi ko hahayaang magkaroon kayo ng pagkakataon ni Lizzie na mag-usap." Matigas na tanggi ni Sam.
Naiinis na naihilamos niya ang kamay sa mukha. Parang guguho na lahat ng pagpipigil niya kay Sam. Napipikon na siya rito."Kailangan ko siyang makausap." Sabi niya na halatang determinado.
"Hindi pwede!" Tanggi pa rin ni Sam."Ang kulit mo talaga eh?!" Unti-unti nang gumuguho ang pagpipigil niya.
"Mahal kita, Whimper. At hindi kita ipapaubaya sa kanya."
Tuluyan ng napikon si Whimper. Isinandal niya sa ding-ding si Sam. Hindi na niya pinansin ang mga dumadaan sa harap ng kwarto ni Lizzie. Ikinulong niya sa gitna ng magkabilang kamay niyang nakatuon sa dingding si Sam.
"Sam, tigilan mo na ito! Nakikiusap ako hanggang kaya ko pa!" Mariing sabi niya kay Sam.Dug..
Dug...
Kumakabog ang dibdib ni Sam! Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa presensya ni Whimper na sobrang lapit sa kanya.
Napakagat labi si Sam. Napatingin kasi ito sa mapupulang labi ni Whimper. Parang gusto nitong matikman ang mga iyon.
"Whimper..." Halos pabulong na wika niya. Para itong nasa mundo ng pantasya. Kinikilig ito sa distansya nila ni Whimper.Boogssh!
Napitlag ito ng suntokin niya ang dingding sa gilid ng ulo nito. At ang pagsuntok niyang iyon ang parang nagpabalik dito sa mundo ng realidad.
"Sam, ano ba?!" Kitang-kita ang galit sa kanyang mga mata. "Si Lizzie ang mahal ko! Tigilan mo na ang pagpapantasya! Hindi na muling magiging tayo! Tandaan mo!" Pigil na pigil na mapasigaw siya. Pero pinahalata niya ang diin sa bawat salitang bibitawan.
"Maghihintay ako, Whimper.." Parang namamasa na ang mga mata ni Sam.
"Wala kang maasahan sa akin. Wala!" At tumayo na siya ng tuwid. "Umuwi ka na. Paghindi ka pa umuwi, gagawin ko ang lahat para makalayo sa iyo!" At tinalikuran na niya si Sam. Iniwan itong tumulo na ang luha. Pumasok na muli siya sa loob ng room ni Lizzie.SA LOOB:
"Ui! Baka hindi ka makahinga." Sabi niya kay Lizzie at ibinaba ang nakatalukbong ditong kumot.Tinitigan naman siya ni Lizzie. Halata sa mga mata nito na bukod sa may sakit ito, ay may iba pang dahilan ang malamlam nitong mga mata.
"Lizzie, I'm sorry." Pagbasag niya sa katahimikan sa pagitan nila.
"Sorry na naman?" Sa wakas ay nagsalita din ito. Halos mapapalakpak ang kanyang puso na sa wakas ay kinausap din siya nito.
"I know that I've hurt you too much. Kaya sorry. Sorry!" Inabot pa niya ang palad ni Lizzie, pero agad ding binawi ng dalaga.
"Just leave!" Sabi nito na parang bumingi sa kanyang pandinig. Halos gumuho na ang lahat ng kanyang pag-asa sa sinabi nito....
Just leave!(A/N: Si Whimper nasa side ----->>>)
___________________________________A/N:
VOTE and COMMENT po.

BINABASA MO ANG
The Chase
Ficção Adolescente"Hinahabol ko siya, hinahabol mo ako, sinong humahabol sa iyo? Nobody! Mahal ko siya, mahal mo ako, sinong nagmamahal sa iyo? Meroon ba?" Ito po ay kwento nang pagmamahalan na walang kasiguruhan. Isang Nerd (Myungsoo) na umibig sa isang Miss Perfect...