Chasing 24

2.5K 61 11
                                    




A/N:




Tulungan po ninyo akong i-plug ang kwentong ito. Salamat po! And please, VOTE AND COMMENT naman po. Parang nawawalan na ako ng gana tuloy na ipagpatuloy ito. :)



_____________________________






CHASING 24



DAMDAMIN NI LIZZIE










Masayang nagkakantahan ang nasa harap ng bonfire na mga estudyante. Naisipan tuloy ni Menchie na maglaro sila ng game.






"Guys, gusto ninyo, laro tayo ng truth or dare?" Tanong ng kanyang Ate Menchie sa kanilang mga kasama.








"Sige," Halos ganyan ang sagot ng mga SBO members. Ang lahat ay masayang sumang-ayon, maliban kay Lizzie.








"Lizzie, payag ka bang laro tayo ng truth or dare?" Tanong ni Menchie sa kanya. Siya lang kasi ang hindi pa nagbibigay ng pagsang-ayon.







Pero bakit naman siya magbibigay ng pagsang-ayon sa isang bagay na hindi niya naiintindihan?







Hindi naka-oo si Lizzie kasi abala pa din siya sa pagtanaw kung saan nagpunta si Whimper. Nakita niya itong lumapit din muli sa tabing dagat at parang nagsusulat ng kung ano sa buhanginan. Kaya naman, naandito ang katawan ni Lizzie, pero ang utak niya ay mga 100 meters ang layo. At ang estimated 100 meters na iyon ay ang layo ni Whimper sa kinauupuan nilang lahat.






Naaawa siya sa itsura ni Whimper. Para itong nasasaktan sa nababasa niya sa mga mata nito. Pero naisip ni Lizzie, 'Bakit naman siya masasaktan? Eh palagi nga silang magkasama ni Sam? Marahil ay akala ko lang na malungkot siya, pero ang totoo, ok naman siya.'








Pero habang tinititigan niya ito, alam niyang may bumabagabag kay Whimper. Nawala na kasi ang sigla nito. Ang mga ngiti nito kapag kinukulit siya noon. Ang pagkabibo at daldal nito para lang mapa-sa-kanya siya dati.






At kung malungkot si Whimper, ay mas malungkot siya. Nalulumbay siya na sa ganitong pagkakataon, hindi niya ito madamayan sa kung anong problema nito. Masisisi ba siya kung umiwas siya? Dati niyang kaibigan si Sam at ayaw niyang makasakit dito. Alam niyang mahal ni Sam si Whimper. At sa madalas niyang makitang, na sa hindi inaasahang ay palaging si Sam ang kasama nito.







Kahit na madalas sabihin sa kanya ni Whimper na siya ang mahal, at iiwasan si Sam. Pero bakit hindi nito mapinindigan ang sinasabi nito? Para sa kanya, ang ibig sabihin lang nito, hindi bukal sa kalooban ni Whimper na iwasan si Sam. Pwede namang hindi sana iwasan si Sam. Ang kaso may pagtingin kasi ito kay Whimper. Nakikita niya ito na nakikipaglambingan kay Whimper.






'Masisi ba nila ako na masaktan ako? Wala namang nagmamahal na magiging masaya, kung ang iniibig mo ay makikita mong, niyayakap, kinakandungan, hinahalikan ng iba. Meroon ba? Meroon bang taong nagmamahal na nagseshare sa iba? Iseshare pa rin kahit alam kong may pagtingin ito sa kanya?'







'Kaya ang ginagawa ko ay umiwas, hindi dahil nagpapakipot ako, kundi dahil sa ayaw kong makasakit ng iba. Dahil sa nakikita ko sa kanila, masisisi ba ako na isipin kong akobang kontrabida sa relasyon nila?'







'Am I being to pushy, to tell Whimper to maintain his distance with Sam? As I often see it, it seems very hard for him. Hard for him na umiwas sa isang tao na may pagtingin sa kanya.'






'Tapos ako pa ang sasabihang pusong bato? Kung pusong bato ako, wala akong pakialam kahit na masaktan si Sam ng sobra. Kung pusong bato ako, kahit nahihirapan si Whimper, iuutos kong absolutely, iwasan si Sam. Na sa tuwing makita ko silang magkasama ni Sam, magwawala ako at awayin siya.'







The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon